• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos P.4M droga, nasamsam sa Caloocan drug bust, 2 timbog

HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang na-rescue na isang menor-de-edad na lalaki sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Chief P/Lt. Restie Mables, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas “Pagare”, 45, construction worker, ng lungsod.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, agad bumuo ng team si Lt. Mables saka pinangunahan niya ang ikinasang buy bust opeation kontra kay ‘Pagare’.

 

 

Matapos umanong tanggapin ni ‘Pagare’ ang marked money na may kasamang boodle money mula sa pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng isang medium sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-12:10 ng hating gabi sa Blk 7 corner Kaagapay Road, Brgy., 188, kasama ang na-rescue na binatilyo na si alyas “Potyok”.

 

 

Ani Lt. Mables, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 57 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P387,600.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang dadalhin naman sa CSWD ang na-rescue na binatilyo. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Bicol pinalubog ni ‘Kristine’: 7 patay!

    PINALUBOG ng bagyong ‘Kristine’ ang Bicol region na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang libu-libo ang inilikas , Miyerkules.   Sa ulat ni PNP-Bicol chief, PBGen. Andre Dizon, ang mga naitalang nasawi ay mula sa Naga City, bayan ng Palanas sa Masbate at sa Bagamanoc sa Catanduanes habang mula naman sa Paracale town sa […]

  • Yulo swak sa World Championships sa UK

    MAGLALARO si Pinoy gymnastics sensation Caloy Yulo para sa kanyang ikatlong World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Liverpool, England.     Ito ay matapos magdagdag si Yulo ng dalawa pang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.     “Qualified for world championship 2022 in Liverpool UK!!,” ani Japanese […]

  • Dahil sa world-class acting sa ‘Royal Blood’… RHIAN, waging best actress sa 4th TAG Awards Chicago

    ITINANGHAL na Best Actress sa 4th TAG Awards Chicago si Kapuso actress Rhian Ramos para sa murder mystery series na “Royal Blood.”     Nasungkit ni Rhian ang parangal para sa kanyang world-class acting bilang si Margaret Royales.       Tumatak sa viewers ang palaban at mysterious role na ito ni Rhian, na siya […]