• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST

PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naareatong suspek na si Uriel Hewe Jr., 31, (watchlisted) ng Block 15, Lot 7, Mangga St., Amparo Subdivision Brgy. 179.

 

Sa report ni PBGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Dano Jr., alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Amparo Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr. sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

Ani Col. Mina, narekober sa suspek ang aabot sa 5 kilos at 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinayatayang nasa P34,680,000.00, buy bust money na binubuo ng 2 tunay na P1,000 at 138 piraso boodle money, isang cal. 45 pistol na may magazine at 4 na bala, digital weighing scale, cellphone at P10,150 cash.

 

Sinabi ni NCRPO Chief Danao na nag-ugat ang operation dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen na ipinadala sa NCRPO SMS Compliance Monitoring System hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

 

“Kung ayaw niyo tumigil sa droga at talagang ginawa niyo nang hanapbuhay yan eh ikamamatay niyo Yan, Swerte ito buhay dahil hindi lumaban!” babala ni RD Danao sa mga ayaw maglubay sa droga.

 

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang suspek sa grupong nasakote din ng Caloocan Police SDEU kamakailan na nahulihan ng 26 kilos ng shabu. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, pinangunahan ng inagurasyon ng SORSOGON SPORTS ARENA

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) na itinaon sa ika-130 taong anibersaryo ng lalawigan at pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kasanggayahan Festival.   Sinabi ni Pangulong Marcos na ang SSA, kayang maga-accommodate ng 12,000 katao at magsilbi bilang National Training Camp para sa […]

  • Barangay health workers gagawing kawani ng gobyerno

    Magiging kawani na ng gobyerno ang mga Barangay Health Workers o BHW’s sa ilalim ng panukala na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Congw.Lani Cayetano at mga miyembro ng Back to Service o BTS bloc sa Kamara.     Nais nina Cayetano at ng kanyang grupo na masuklian ng sapat na insentibo at […]

  • ANTHONY HOPKINS, nagpasalamat at ‘di inaasahang mananalo ulit ng Best Actor sa Oscar Awards

    NAGPAABOT ng kanyang pasasalamat ang veteran actor na si Anthony Hopkins pagkatapos niyang manalo bilang best actor sa nakaraang 93rd Academy Awards or the Oscars.     Nanalo si Hopkins para sa pagganap niya bilang isang grandfather na may sakit na dementia sa pelikulang The Father.     Ito ang second Oscar best actor ni […]