• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos P5-B duties and taxes nawawala sa gobyerno dahil sa agri-smuggling – Salceda

NASA mahigit P5 billion duties and tax ang nawawala sa gobyerno dahil sa agricultural smuggling.

 

 

Ito ang ibinunyag ni House Committee on Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Salceda.

 

 

Batay sa inilabas na smuggling estimates data na isinumite sa mambabatas ang rice smuggling ang may pinakamalaking revenue losses na umabot sa mahigit P1.8 billion na sinundan ito ng karneng baboy na umabot sa mahigit P1.2 billion at pumapangatlo ang mga poultry products na nasa mahigit P770 million pesos.

 

 

Sa nasabing pagdinig kanina ng house panel inihayag na nasa P4.99 billion ang nawawalang duties ng bansa mula sa mga declared arrivals.

 

 

Layon din ng pagdinig na masolusyunan na rin ang smuggling sa bansa na nagpapahirap sa mga local farmers.

 

 

Tinanong naman ni Cong. Salceda si Transnational crime chief retired Gen. Alfred Corpus kung may natanggap itong ulat tungkol sa mga Chinese mafia na nasa likod ng large scale smuggling sa bansa.

 

 

Sagot naman ni Corpus na wala silang natatanggap na impormasyon ukol dito.

 

 

Sa kabilang dako, sa sponsorhip speech naman ni Sultan Kudarat Rep Cong. Horacio Suansing Jr kaugnay sa inihain nitong House Resolition No 311 na naglalayon imbestigahan in aid of legislation at bumuo ng mga batas laban sa smuggling at papanagutin ang mga nasa likod ng large scale smuggling sa bansa.

 

 

Pinangalanan din ni Suansing ang mga umanoy mga smugglers. Pina pasubpoena din ni suansing ang mga umanoy smugglers na kaniyang pinangalanan.

 

 

Ibinunyag naman ni Suansing nakalabas na umano ng bansa ang dalawang personalidad na posibleng sangkot sa large scale smuggling.

 

 

Ayon kay Suansing, may nakarating sa kanyang impormasyon na nakaalis na ang dalawa, at nagtungo na sa China.

 

 

Nagmosyon naman si Suansing sa komite sa pinamumuan ni Rep. Joey Salceda na maimbitihan ang mga kasama sa binanggit niyang listahan, at makuha ang kinakailangang rekord ng ilang consignees mula sa Bureau of Customs at Department of Agriculture.

 

 

Binigyang-diin ng mambabatas na ang listahan niya ay “pampagana” pa lamang, at nais niyang personal na humarap sa susunod na pagdinig ang mga personalidad. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads September 3, 2020

  • Ilang beses nang nakaranas ng ‘himala’: NORA, tatlong minutong namatay at milagrong nagkamalay

    PINASIKAT na movie line ni Superstar Nora Aunor ay ang “walang himala” na hango sa kanyang 1982 film na ‘Himala’.      Pero sa tunay na buhay, ilang beses na raw nakaranas ng himala sa kanyang buhay si Ate Guy.     Sa naging kuwentuhan nila ni Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, […]

  • Halos P1.5M shabu nasamsam sa 6 na miyembro ng “Onie Drug Group”

    NASAMSAM sa anim na miyembro ng umano’y notoryus na “Onie Drug Group” na nag-ooperate sa northern area ng Metro Manila at Bulacan ang halos P1.5 milyon halaga ng shabu matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city at San Jose Del Monte (SJDM) city, Bulacan.   Ayon kay […]