• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HALOS P78-B NAI-RELEASE NA SA GOV’T RESPONSE VS COVID-19 PANDEMIC – DUTERTE

UMAABOT na sa halos P78 billion ang nailabas ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

 

Nakapaloob ito sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipinadala kahapon.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa P76.228 billion ay galing sa pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act habang ang P1.753 billion ay mula sa available funds sa 2020 national budget.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, kabilang sa pinaglaanan ng pondo mula sa Bayanihan 2 ang Department of the Interior and Local Government (P2,522,660,000); Office of Civil Defense (P855,190,418); Bureau of the Treasury (BTr)- lo-cal government units (P451,474,250); Department of Foreign Affairs (P820 million); Professional Regulation Commission (P2.5 million); Department of Social Welfare and Development (P6 billion); Department of Transpor- tation (P9.5 billion); Department of Agriculture (P12.032 billion); BTr-Development Bank of the Philip- pines (P1 billion); BTr-Land Bank of the Philippines (P1 billion); BTr – Small Business Corporation (P8,080,098,000); Philippine Sports Commission (P180 million); Department of Labor and Employment (P13.1 billion); Department of Health (P20,574,952,000) at De- partment of Trade and Industry (P100 million).

 

Samantala, ang Department of Public Works and Highways (P994,745,247); Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (P28,371,099) at DOH (P730,047,199) naman ang pinaglaanan ng pondong galing sa 2020 national budget.

 

Inihayag ni Pangulong Duterte na 54.45 percent na ng P140-billion appropriations sa ilalim ng Bayanihan 2 ang nai-release. (Ara Romero)

Other News
  • Balitaan sa Tinapayan

    HINIMOK ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan. Sa kanyang pagdalo Biyernes ng umaga sa relaunching ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto […]

  • Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia

    IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms.     Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang […]

  • Sa Christmas concert special nila ni MATTEO: SARAH, matutupad na ang dream na maka-duet si JOSE MARI CHAN

    MATUTUPAD na ang matagal nang pangarap ni Sarah Geronimo na maka-duet si Jose Mari Chan sa magaganap na Christmas concert special nila ng mister na si Matteo Guidicelli na Christmas With The G’s.     Ayon kay Sarah, paborito niyang Christmas song ang “Christmas In Our Hearts” noong bata pa siya kaya lagi niya itong […]