Hamon sa ABS-CBN: 11,000 empleyado, gawing regular
- Published on February 24, 2020
- by @peoplesbalita
Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular lahat ng nasa 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapangalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador.
Ito ang naging pahayag ni Yap kasunod ng mga isyu na kinahaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at sa quo warranto petition na isinampa laban sa kanila ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.
Nabatid na karamihan umano sa 11, 000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status sa naturang kumpanya.
Hinamon din niya ang pamunuan ng ABS-CBN na bayaran ang mga backpay at iba pang benepisyo ng may 120 empleyado na umano’y iligal na tinanggal noong 2010 at hanggang ngayon ay patuloy na pinaglalaban ang kanilang karapatan sa korte.
Dagdag pa ng mambabatas, siguraduhin din na maayos at nababayaran lahat ng tama ang kanilang mga empleyado kasama ang lahat ng benepisyo na naaayon sa batas.
Kung gagawin umano ito ng ABS-CBN, siguradong magsusunuran ang ibang malalaking kumpanya.
-
‘Pagkampeon na naman ni Obiena sa Poland, magandang senyales sa pagsabak sa world championships’
ALL SET na sa nalalapit na mas malaking event sa buwan ng Marso ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos na magkampeon na naman sa Orlen Copernicus Cup sa Poland. Naghahanda kasi si Obiena para sa prestihiyosong World Indoor Athletics Championships na gaganapin sa Belgrade mula March 18 hanggang March 20. […]
-
SSS, nag-alok ng calamity loan, 3-month advance pension para sa mga miyembro
BUBUKSAN ng Social Security System (SSS) ang dalawa nitong programa na naglalayong i-extend ang financial assistance sa kanilang mga miyembro at pensiyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding. Ang dalawang programang ito ani SSS president and CEO Michael Regino ay ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro […]
-
Ads September 3, 2021