• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Handang-handa nang bumalik sa pag-arte: JAMES, posibleng makasama si LIZA sa teleserye o pelikula

HANDANG-HANDA na raw si James Reid na bumalik sa pag-arte.

 

 

Sa katunayan, possible raw sila magsama ni Liza Soberano sa isang teleserye o pelikula.

 

 

Ayon kay James, ito raw ang plano after na mag-concentrate sa kanyang music career.

 

 

“I always say that I am planning to go back to acting after I explore music and I have a new EP (extended play) so I was excited.

 

 

“And yeah there will be a movie project and new projects coming,” say ni James nang nakachikahan sandali ng ilang entertainment sa naganap na The 7th EDDYS awards night last Sunday, na kung saan mapapanood ang delayed telecast ngayong July 14 sa ALL TV, 10 p.m.

 

 

Kaya pwedeng mag-expect ang fans nila ni Liza ng isang acting project na magkasama silang dalawa?

 

 

“I think there’s a big possibility and that could happen,” sagot ni James.

 

 

 

Paglilinaw pa ng dating ka-loveteam at girlfriend ni Nadine Lustre, “I didn’t quit. I just wanted to do music first because I left that kind of show business, being in a love team and everything.

 

 

“I wanted to figure out who I was outside of a pair, and I felt that through music. It’s been great.

 

 

“I really wanted to take a pause and discover myself through music and for the past couple of years I just really focused on composing music to figure out what I really wanted.

 

 

“And I think I am very happy where I am right now and excited to take what’s next,” dagdag ng boyfriend ni Issa Pressman.

 

 

Mukhang nag-e-enjoy naman siya sa pagma-manage ng mga talents sa kanyang Careless, kabilang na nga si Liza na unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa ibang bansa.

 

 

“It’s great. I’ve mentioned before, Liza knows exactly what she wants and I’m just supporting her and backing her up. Right now she’s in LA auditioning and taking more projects so I am very proud of her,” tugon pa ni James.

 

 

Natanong din si James kung type din ba niyang magkaroon ng international career tulad ni Liza?

 

 

“That never really you know crossed my mind. I feel like for me, I wanted to create music from the Philippines where I am reaching out.

 

 

“Everyone has a different dream and I wouldn’t say Liza left Philippine show business. She’s doing good and I am very proud that she’s able to push Filipinos internationally,” pahayag pa ng singer-actor.

 

 

 

***

 

 

Pasig River Esplanade, pasyalang mala-Europa sa Maynila – First Lady

 

 

 

NAGBIGAY ng buong suporta si First Lady Liza Araneta-Marcos para mapadali ang ginagawang Pasig River Esplanade sa kahabaan ng Pasig River na maituturing na isang tourist destination tulad ng Seine ng Paris at ng River Thames sa London.

 

 

Kamakailan lamang ay pinangunahan nina First Lady at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inauguration ng 500-metro showcase sa Plaza Mexico, malapit sa Post Office sa Manila, kamakailan lamang.

 

 

Pasyalang mala-Europe ang vibes pero nasa Maynila lang! ‘Yan ang Pasig River Esplanade na bahagi ng proyekto para muling buhayin ang Ilog Pasig.

 

 

Ang beautification project para sa 25-kilometrong haba ng Pasig River Pathway ay isa sa mga prayoridad na proyekto sa ilalim ng Office of the First Lady, katuwang ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

 

 

“Rest assured that apart from our enthusiasm and optimism, the First Lady and I will provide our all-out support and commitment to the completion of this project, and hopefully in three years’ time, that will be our goal,” ito ang sinabi ng Pangulong Marcos sa inauguration ceremony.

 

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na naging bahagi na ng kanyang paglaki ang Pasig River dahil sa tabi nito sila nakatira noong nasa Malacañang pa ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

 

 

Kaya panahon na, ayon sa Pangulo, para ayusin at pagandahin ang Pasig River at gawing pasyalan at sentro ng turismo habang pinapalakas ang paggamit ng transportasyon sa pamamagitan ng libreng sakay ng motorboat.

 

 

Pinatunayan lang nila na walang imposible basta ginusto, pinagsikapan, tuloy-tuloy at tulong-tulong na isinulong ang nasimulan.

 

 

Ang pagpapaganda sa Pasig River ay pinangangasiwaan ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development at kasamang tumutulong si First Lady Liza Araneta Marcos.

 

 

Sa ngayon ay favorite destination na ito sa Maynila, lalo pa nga’t malapit lang ito sa Binondo na kung saan matatagpuan ang oldest Chinatown sa buong mundo. Nagagamit rin ang lugar para sa pelikula at teleserye, photo shoots at marami pang iba.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Babae na may pekeng stamp passport, nasabat sa NAIA

    PINIGIL ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-alis ng isang babae na biktima ng pekeng departure stamp sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.   Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang biktima ay isang 32 anyos babae ay pasakay ng Cebu Pacific Airlines flight biyeheng Vietnam pero hindi siya […]

  • Dating pulis na nasangkot sa viral video ng pananakit at panunutok ng baril dapat na sampahan ng kaso -Abalos

    KUMBINSIDO  si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.     Ang katwiran ng Kalihim, hindi dapat na kinukunsinti ang  “culture of impunity” sa bansa.     “For the sake of […]

  • ‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na

    Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple.   “Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na […]