• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Hangin ni Odette, mala-washing machine’

Mistulang ikot ng washing machine ang hangin ng Bagyong Odette.

 

 

Ito ang pagsasalarawan ni Jeffrey Crisostomo, public information chief ng Dinagat Islands nang hambalusin ni Odette ang lalawigan.

 

 

“Para siyang washing machine na paikot ka. ‘Di mo alam kung saan ka tatakbo kung matamaan ka ng ganu’ng klaseng hangin,” ani Crisostomo.

 

 

Kasunod nito, sinabi ni Crisostomo na 10 katao ang iniwang patay ni Odette habang nasa 90 hanggang 95 porsiyento naman ang mga bahay ang winasak.

 

 

Tinatayang nasa 128,000 katao ang naapektuhan.

 

 

Ang Dinagat Island ang ikalawang binayo ni Odette noong Huwebes matapos ang pananalasa sa Siargao Island.

 

 

Ayon kay Crisostomo, kailangan ng Dinagat Islands ng malinis na tubig at pagkain.

 

 

Sinisikap din nilang maibalik ang linya ng komunikasyon at kuryente sa Dinagat Islands upang mas maging madali at mabilis ang pagtugon at koordinasyon ng tulong sa mga nasalanta. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-PBA star player, naghain ng kandidatura bilang konsehal sa Maynila

    NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang dating Philippine Basketball Association (PBA) star player na si Paul “Bong” Alvarez bilang “aspirant councilor” sa ikatlong Distrito sa Lungsod ng Maynila nitong Miyerkules, Oktubre 2.     Kilala si Alvarez sa tawag na “Mr. Excitement” dahil sa bilis at liksi nito sa paglalaro ng basketball noong […]

  • Asawang si Vickie papayagan pa ring sumali sa ‘MUP’: JASON, inalala ang kabaitan sa kanya ni BOY noong nagsisimula pa lang sa showbiz

    ISANG kilalang aktor at ngayon ay Board Member ng 2nd District ng Nuvea Ecija, nagsimula ang showbiz career ni Jason Abalos noon maging contestant ito sa ‘Star Circle National Teen Quest’ na talent search competition ng ABS-CBN noong 2004.   Fast forward to February 21, 2024, naging guest si Jason at Jo Berry sa ‘Fast […]

  • Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30

    PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.   Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na […]