Harapan ng Lakers at Warriors inaabangan ng mga fans
- Published on April 5, 2025
- by @peoplesbalita
INAABANGAN ng mga basketball fans ang magiging harapan ngayong araw ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.
Huling nagkaharap ang dalawang koponan ay noong Christmas Day ng nakaraang taon kung saan nakapagtala si Warriors star Stephen Curry ng 38 points.
Sinabi ni Warriors head coach Steve Kerr na kakaiba na ngayon ang Warriors dahil sa pagdagdag sa kanilang koponan ni Jimmy Butler.
Sa 10 regular-season games na nagharap kasi ang dalawang koponan ay tatlo lamang ang naging panalo ng Warriors.
Bagamat malaking hamon ito ngayon sa Warriors dahil sa home court pa ng Lakers gaganapin ang laro sa Crypto Arena.
Nasa pang-limang puwesto ang Warriors na mayroong 44 panalo at 31 na talo habang ang Lakers ay nasa pangatlong puwesto na mayroong 46 panalo at 29 na talo sa Western Conference.
-
‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa
ANG “house-to-house/person-to-person” na pangangampanya ng mga taga-suporta ng tambalang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes. Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad. […]
-
UAAP crown nabawi ng UP
NAIBALIK ng University of the Philippines ang korona sa kanilang bakuran matapos patalsikin sa trono ang De La Salle University, 66-62 sa do-or-die Game 3 ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi. Nagsanib puwersa sina graduating student JD Cagulangan, Francis Lopez at Quentin Millora-Brown upang akbayan […]
-
49 napaulat na namatay, mahigit isang milyong katao apektado ng Paeng —NDRRMC
TINATAYANG umabot na sa 49 katao ang namatay habang mahigit isang milyong katao naman ang apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae). Sa “8 a.m. situational report” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 37 katao ang kumpirmadong namatay habang 11 naman ang nananatiling […]