• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Harry Roque, nagsumite ng counter-affidavit na naka-notaryo sa Abu Dhabi

NAGSUMITE ang kampo ni dating presidential spokesperson Harry Roque, araw ng Martes ng isang counter-affidavit na naka-notaryo sa Abu Dhabi.

 

 

Sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na ang counter-affidavit ukol sa qualified trafficking complaint na inihain ng Department of Justice (DOJ) laban kay Roque ay naka-subscribe sa Abu Dhabi noong Nobyembre 29.

 

“A counter-affidavit was submitted by the lawyers of Harry Roque. It would appear that he had a document which was notarized, pero doon siya sa Abu Dhabi,” ani Fadullon.

 

 

Ang pahayag na ito ni Fadullon ay kasunod ng paunang pagsisiyasat ukol sa qualified trafficking complaint na inihain laban sa Cassandra Li Ong, awtorisadong kinatawan ng POGO firm Lucky South 99, Roque, at iba pa.

 

 

Si Roque, nahaharap ngayon sa arrest order na ipinalabas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, hindi personal na dumalo sa pagsusuri.

 

 

Samantala, isa namang Immigration Lookout Bulletin Order ang ipinalabas laban kay Roque at sa 11 iba pa noong Agosto. (Daris Jose)

Other News
  • Fernando, pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na magbayad ng buwis hanggang Mayo 31

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinaaalala ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng pagbabayad ng tamang amilyar o Real Property Tax sa takdang oras.     Aniya, “dahil sa pandemya, naiintindihan ko na marami sa mamamayan ang hirap sa salapi kung kaya’t hindi makabayad ng buwis sa tamang oras.”     Kaya naman upang tulungan ang mga taxpayer sa kanilang […]

  • Ads April 18, 2023

  • Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official

    SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.   Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito.   Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong […]