Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal
- Published on January 25, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo.
Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan na patuloy na maging maingat at obserbahan ang umiiral na health at safety protocols.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente ng COVID-19. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawaan ng virus.
Samantala, iniulat din naman ni David na ang one-week growth rate sa rehiyon ay bumaba pa sa -42%, na inilarawan niya bilang “a clear downward trajectory” sa mga bagong COVID-19 cases.
Bumaba rin ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR sa 72, ngunit nasa “very high level” ito.
Sa isa pang tweet, sinabi ni David na ang mga lalawigan sa labas ng NCR ay nasa very high risk, dahil sa mataas na ADAR.
Sinabi rin ni David na ang COVID-19 cases sa Cavite at Batangas ay posibleng umaabot na sa peak.
Nakapagtala rin ng negative growth rates ang Rizal at Bulacan ngunit nasa very high risk pa rin.
-
‘Big fish’ target ni Cascolan sa drug war
Target ng bagong upong hepe ng PNP na si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang mga bigtime drug personalities sa bansa. Ayon kay Cascolan, mas paiigtingin nila ang kanilang trabaho upang malambat ang mga indibiduwal o grupo na patuloy na nagsasagawa ng illegal drug operations. Aniya, titiyakin niyang ang case build up ay gagawin […]
-
Training ni Pacquiao ‘di apektado sa kasong ‘breach of contract issue’
Hindi umano makakaapekto sa nagpatuloy na training ni Sen. Manny Pacquiao ang isyu tungkol sa breach of contract. Ito ang pahayag ni Pacquiao matapos lumabas ang balita na may sinuway itong kontrata sa OD Promotions. Sigurado umano ito na walang nangyaring breach sa kontrata dahil alam ito ng Team Garcia. […]
-
Ads April 21, 2023