• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hawaan ng COVID-19 sumipa sa 45% nitong Enero 4 – OCTA

Sumipa na sa 45 percent ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na Enero 4, mas mataas sa dating 40 percent positivity rate sa Kalakhang Maynila.

 

 

Bunga nito, inaasahan ng OCTA Research Group na pumalo ang bagong CO­VID-19 cases sa kada araw sa 10,000 hanggang  11,000 dagdag na kaso ng virus.

 

 

“This projects to 15,000 to 16,000 new COVID-19 cases in the Philippines on January 6, with 10,000 to 11,000 new cases in the NCR. This would eclipse the previous high in the NCR of 9,031 on September 11, 2021,” ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team.

 

 

Anya  ang  surge  ay wala pa sa peak at inaasahang aabutin ng  lampas  20,000  ang bagong kaso ng COVID ngayong Enero 7.

 

 

Nitong Miyerkules ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng  10,775  bagong COVID-19 cases. Ang pagtaas ng infections ay nagsimula nang may 14 na kaso ng Omicron variant ay naitala sa Pilipinas.

 

 

Sa 14 ay 11 ang mula sa abroad at 3 ay local cases.

Other News
  • Mga Pinoy sa Tonga, all accounted at ligtas lahat – DFA

    LIGTAS at accounted daw ang lahat ng mga Pinoy na nasa Tonga kasunod na rin na massive undersea volcanic eruption na naging dahilan ng tsunami warnings sa Pacific na naging dahilan din ng disrupted communiation system.     Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hiniling na raw ng Association of Filipinos in Tonga Inc. […]

  • PANALANGIN NG SANTO PAPA KONTRA DEATH PENALTY, IKINAGAGALAK NG CBCP-ECPPC

    IKINAGALAK ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang paglalaan ng Kanyang Kabanalan Francisco ng panalangin sa buwan ng Setyembre para sa pagbuwag ng parusang kamatayan sa buong daigdig.     Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, vice chairman ng komisyon na dahil sa mensahe at panalangin ng Santo Papa ay lalong tumatag ang  kanilang paninindigan […]

  • BOOSTER SHOT, MAY GO SIGNAL NA

    NAGBIGAY na ng go signal ang Department of Health para sa  booster at karagdagang dose ng  COVID-19 vaccines para sa  healthcare workers, mga senior citizens at para sa  eligible priority groups sa  2022.     Ang booster shots at karagdagang doses ng bakuna ay kasunod ng rekomendasyon noong Oct. 13  ng Health Technology Assessment Unit […]