Health experts inirekomenda ang 2nd booster shots para sa mga medical workers at mga matatanda
- Published on May 19, 2022
- by @peoplesbalita
INIREKOMENDA ngayon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang pagbabakuna sa second booster shot para sa mga health care workers na nasa A1 category at at senior citizens na nasa A2 category.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hinihintay na lamang daw sa ngayon ng HTAC ang isa pang requirement mula sa World Health Organization (WHO) para sa naturang pagbabakuna.
Sinabi ni Cabotaje na ang guidelines para sa second booster para sa A1 at A2 ay nailabas na sana pero mayroon daw pagbabagong ginawa ang WHO sa requirement.
Agad naman daw mag-iisyu ang mga Health authorities ng guidelines para sa pagbabakuna sa second booster shots para sa A1 at A2 kapag nagbigay na ng go signal ang WHO.
Kung maalala, nagsagawa na ang pamahalaan ng second booster shot sa mga immunocompromised adults.
-
Kasama ang mga bagong set of officers: HEART, nanumpa na bilang bagong Senate spouses foundation president
MUKHANG fresh at bumata ang aktor na si John Lloyd Cruz. Halatang masayang masaya ang aktor sa kanyang present love ba si Isabel Santos. Mukhang very proud ang aktor sa bagong karelasyon dahil ilang showbiz gathering na dinaluhan ay kasa-kasama niya ito. Kasalukuyang inihahanda ni John Lloyd ang sarili para sa proyektong gagawin niya with […]
-
Ads January 3, 2024
-
Tanim muna ng punongkahoy bago prangkisa
May bagong requirement ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilabas kung saan ay kinakailangan munang magtanim ng punongkahoy ang kukuha o di kaya ay mag rerenew ng kanilang prangkisa. Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2020-076 na sisimulan sa Dec.1, ay kailangan magtanim ang aplikante ng isang (1) punongkahoy kada unit […]