• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Misunderstanding ng Simbahan, plantsado na

PLANTSADO na ang maliit na misunderstanding ng Malakanyang at Simbahan na nag-ugat sa pastoral letter na inisyu ng pamunuan ng Simbahang Katolika ukol sa pagpapahintulot nitong makapagsimba ang kanilang miyembro ng hanggang 10% capacity.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumagitna na kasi si DOJ Secretary Menardo Guevarra kaya’t nagkaliwanagan ang magkabilang panig.

 

Tiniyak ng Kalihim na wala ng problema.

 

Sinabi ni Sec. Roque na si Guevarra bilang nakatalagang makipag-ugnayan sa mga religious groups ay nagsabi na ang stand ng Simbahang Katolika ay ang sumunod sa IATF Resolution na wala munang mass gathering kasama na ang alinmang religuous activity.

 

“Wala pong problema diyan kasi ang Simbahang Katolika nagsasalita po sa pamamagitan ng CBCP. Narinig ko po, tinanong po sa akin ng isang media, hindi ko naman nakita kung ano iyong pastoral letter na iyon na mayroong isang Bishop lang na nagsasabi na susuwayin at magti-ten percent daw sila,” anito.

 

Kung tutuusin aniya ay wala naman talagang dapat na maging problema gayung nakasulat naman aniya sa Biblia na kailangan ding magpasakop o sumunod sa mga napili ng Panginoon na mamuno na ang tinutukoy ay ang gobyerno.

 

Aniya, kung papahintulutan daw kasi kahit 10 percent lang ang laman ng simbahan ay lalabas din sa kabilang banda na ang pagkukumpol – kumpulan ay mangyayari sa labas kaya sumat- total ay parang bale wala rin.

 

“Pero kahapon, nakakuha po ako ng text galing kay Secretary Meynard Guevarra dahil siya po ang assigned na makipag-coordinate sa ating mga religious groups, eh sabi niya wala raw pong problema at nilinaw na, na ang stand ng Simbahang Katolika ay susunod sila sa IATF Resolution.

 

So, wala pong problema kasi talaga namang maski sa Bibliya nakasulat iyan ‘no na kinakailangan sumunod doon sa mga napili ng Panginoon na mamuno,” lahad ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Olympic meeting sa Beijing kinansela dahil sa banta ng covid-19

    Kinansela ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.   Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula Abril 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausssane, Switzerland.   Magpapalitan kasi ng mga idea ang mga iba’t ibang sports governing bodies tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics. […]

  • DERRICK, ang tapang na sabihin na mahal na mahal niya si ALDEN at never nainggit

    SA isang IG live interview ni G3 San Diego ay tinanong si Derrick Monasterio about kung hindi ba ito naiinggit sa kasikatang tinatamasa ni Alden Richards.     Sagot ni Derrick kahit daw katiting ay hindi siya kakikitaan ng pagka-inggit kay Alden na kasabay niyang nag-start sa showbiz.      “I love Alden. Brother ko ‘yun ever since The […]

  • Ads June 17, 2023