• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Health workers group nanawagan sa DOH na ilabas na HEA

MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa.

 

 

      Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan at taon na pagkakautang nito sa kanila.

 

 

      “Ang pondo ay nasa inyo na (DOH) mula noong Enero. Ano ang dahilan kung bakit hindi ninyo naibigay ang HEA para sa mga manggagawa sa pribadong ospital?” ayon kay Ronald Richie Ignacio, tagapagsalita ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP).

 

 

      Ayon sa mga dokumento at datos mula sa Department of Budget and Management (DBM), mahigit P91 billion na ang nailabas nilang pondo sa DOH para mabayaran ang HEA ng mga healthcare workers simula noong 2021.

 

 

      Noong 2021, naglabas ang DBM ng 12.1 bilyong piso para mabayaran ang HEA, mahigit 28 bilyong piso noong 2022, P31.1 billion noong 2023, at P19.962 billion naman noong 2024.

 

 

      Ang huling 19-bilyon ay inilabas ng DBM sa DOH noong Enero 1, 2024, maliban pa sa dalawang bilyong pisong nakalagak para sa HEA sa unprogrammed appropriations.

 

 

      Nakakalungkot anya na sa kabila ng P91-bilyong inilabas na pondo ng DBM, P64-bilyon pa lamang ang naipamimigay ng DOH sa mga healthworkers.

Other News
  • Catholic E-Forum, inilunsad

    BILANG paghahanda sa May 9, 2022 national at local elections, nagsanib-puwersa ang lahat ng Communication platform ng Simbahang Katolika para ihatid sa mga botante ang Catholic E-Forum.     Inilunsad ang Catholic E-Forum kahapon, Pebrero 14,  2022 sa pamamagitan ng “one-on-one interview” sa mga Presidentiables o mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senatoriables.   […]

  • Saso nais ang ika-3 panalo

    SINIMULAN na kahapon ni Yuka Saso ang kampanya sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship sa The Classic Golf Club sa Fukuoka Prefecture buhat 10 araw na sapat na pahinga, paglilimayon at pamimili.   Puntirya ng 19-anyos, may 5- 5 na taas na Fil-Japanesena dalagang tubong San Ildefondo, Bulacan, na higitan ang ika-13 puwesto […]

  • Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program

    Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program.     Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement […]