Saso nais ang ika-3 panalo
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na kahapon ni Yuka Saso ang kampanya sa ¥112.5M 52nd Japan Women’s Open Golf Championship sa The Classic Golf Club sa Fukuoka Prefecture buhat 10 araw na sapat na pahinga, paglilimayon at pamimili.
Puntirya ng 19-anyos, may 5- 5 na taas na Fil-Japanesena dalagang tubong San Ildefondo, Bulacan, na higitan ang ika-13 puwesto sa una niyang Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Tour major sa Okayama para sa posibilidad na ikatlong panalo sa rookie professional career.
Mabibigat lang ang kalaban ng money race, scoring leader at Player of the Year frontrunner Philippine ace sa pang-anim niyang torneo buhat noong Hunyo sa mayamang sport circuit sa kontinente tapos makasalamuha din sa mga kapatid sa Tokyo.
Ilan sa mga astig na karibal ni Saso ay sina Golf5 Ladies runaway winner Sakura Koiwai at Descente Ladies champion Ayaka Furue, multi-titled Ai Suzuki at United States LPGA Tour campaigners Momoko Ueda at Mamiko Higa, Earth Mondahmin Cup winner Ayaka Watanabe at iba pa. (REC)
-
Tongan Olympic player Pita Taufatofua nagsagawa ng fund raising campaign
NAGSAGAWA ng fund-raising campaign si Tonga’s Olympic flagbearer Pita Taufatofua para sa mga kababayan nitong naapektuhan ng pagsabog ng bulkan na nagdulot ng tsunami. Ayon sa GoFundMe na mayroon ng mahigit $300,000 ang nalilikom nitong donasyon mula sa mga tumulong sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa kanyang social media account, sinabi […]
-
PBA tatapusin ang elims sa Pampanga
Target ng PBA management na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR. Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30. Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa […]
-
200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS
Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program. Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes. Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna […]