HEALTHCARE IS NO.1 — PBBM
- Published on September 24, 2024
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na titiyakin niya na ‘accessible’ ang medical care para sa bawat Filipino.
Inulit ng Pangulo ang kanyang ‘strong commitment’ na iprayoridad ang healthcare system sa Pilipinas.
“Number one talaga, number one para sa akin sa priority na ginagawa ng pamahalaan ‘yung healthcare,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang pinakabagong vlog, bilang tugon sa komento mula sa isang netizen hinggil sa regalo niyang “Zero Billing”.
Matatandaang, noong kanyang kaarawan , Setyembre 13, ipinag-utos ng Chief Executive sa Department of Health (DOH) na bayaran ang lahat ng gastusin ng lahat ng inpatient, outpatient, at emergency services sa 22 public hospitals sa buong bansa sa pamamagitan ng “Zero Billing.”
Sinabi ng isang netizen na si Adrianne Bianca na dapat na iprayoridad ng gobyerno ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino sa pamamagitan ng Universal Healthcare. Sinabi nito na ang “Zero Billing” ay malaking tulong at dapat na ipatupad araw-araw.
Tanggap naman ni Pangulong Marcos ang sentimyento ni Bianca sabay sabing hindi dapat na maging kampante ang pamahalaan sa pagsusulong ng isang globally competitive healthcare system para sa mga Filipino, lalo na iyong mga underprivileged.
Ang naging tugon naman nito sa netizen na si Alicarl Limas Apolinaria, pinasalamatan ang Pangulo para sa pagsisikap nito, inilarawan ang “Zero Billing” bilang isang band-aid solution na hangad din nya (Pangulo) ang araw-araw na pagpapatupad ng Zero Billing.
“Maraming, maraming pangangailangan ang bawat isang Pilipino at ginagawa naming lahat… kahit papano… Hindi natin mabubuo lahat ‘yan ngunit gagawin naming ‘yan lahat para talagang malaking bawas sa bigat na dala,” aniya pa rin.
Nagdiwang ang Pangulo ng kanyang kaarawan noong Setyembre 13 sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “Zero Billing” sa 22 public hospital sa bansa at pinalawak ang serbisyo ng pamahalaan at financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda, bukod sa iba pa. (Daris Jose)
-
Ads March 25, 2022
-
Kasama ang mga makahulugang mensahe: KC, ibinahagi ang ‘di malilimutang regalo na binigay ni SHARON
NOONG Mother’s Day, ipinakita si KC Concepcion sa kanyang YouTube vlog ang ilan sa mga hindi malilimutang regalo na natanggap niya mula kay Megastar Sharon Cuneta, kabilang na dito ang mga magagandang alahas. Ayon kay KC, tradisyon na sa kanilang pamilya na ipasa o ipamana ang mga alahas, na kung saan nakatanggap siya mula sa […]
-
SMOKE FREE MANILA INILUNSAD
BILANG bahagi sa selebrasyon ng Lung Cancer Awareness month ay inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health development (DOH-MMCHD) ngayong martes ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay. Ang aktibidad ay inilunsad sa Baywalk Dolomite Beach na may layuning itaguyod at isulong ang isang breathable environment kung saan ang publiko […]