• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SMOKE FREE MANILA INILUNSAD

BILANG bahagi sa selebrasyon ng Lung Cancer Awareness month ay inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health development (DOH-MMCHD) ngayong martes ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay.

 

 

Ang aktibidad ay inilunsad sa Baywalk Dolomite Beach na may layuning itaguyod at isulong ang isang breathable environment kung saan ang publiko ay maaring magpalipas ng oras habang naglilibang .

 

 

Sa nasabing kampanya, nangako ang ibat-ibang ahensya at NGOs ng No Smoking sign  na ilalagay sa Dolomite Beach.

 

 

Kasama rito ang Metropolitan manila Development Authority at Maila LGU gayundin ang pribadong sektor tulad ng Action on Smoking &Health (ASH) at Philippines and Asia Pacific Cities Alliance for Health and Development (APCAT).

 

 

Noong 2020, ipinakita sa datos mula sa World Health Organization (WHO) Global Cancer Observatory  na ang lung cancer ay nanatiling pangalawang pinakalaganap na sakit at ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay na may kaugnayan sa cancer sa parehong kasarian sa  buong mundo.

 

 

Sa Pilipinas, 19,180 na bagong lung cancer ang naitala para sa parehong kasarian na katumbas ng 12.5 percent ng lahat ng kaso ng canser sa bansa.

 

 

Ang nasabing porsyento ay pangalawa sa pinakamataas sa lahat ng uri ng cancer na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso.

 

 

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Smoke-Free Maila Bay kasama ang mga multi-sectoral partner agencies, sinabi ng DOH-MMCHD na umaasa ang maraming Pilipino na makita ang paninigarilyo bilang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga kaya hindi sila hinihikayat sa nasabing bisyo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 65.7 milyong Pinoy pipili na ng mga bagong lider

    NASA 65.7 milyong mga botanteng Pilipino ang inaasahang dadagsa ngayon sa iba’t ibang ‘polling precints’ ng Commission on Elections (Comelec) para pumili ng mga bagong lider ng bansa ngayong 2022 National at Local Elections.     Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pa­ngarungan na “all systems go” na sila maging ang mga katuwang na ahensya ng […]

  • Ads January 4, 2020

  • Utak pipigain sa 75th National Chess tilt

    MASISILAYAN ang pinakamahuhusay na local chess maters sa eliminations ng 75th Philippine National Chess Championships (2nd leg) na gaganapin sa Marso 7, 8, 14 at 15 sa SM Olongapo City Central sa Olongapo City, Zambales.   Bukas ang nasabing torneo sa lahat ng Filipino chess players at miyembro ng National Chess Federation of the Philippines […]