• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART EVANGELISTA, sa asawang si CHIZ ESCUDERO nakasandal sa tuwing may pinagdaraanan

In a series of Instagram stories ni Kapuso actress Heart Evangelista, nagtanong siya ng guidance regarding her fears,  sa husband niyang si Sorsogon governor Chiz Escudero.  Si Heart pala, ayon sa asawa, kahit in times of difficulty, Heart relies on herself 90 percent of the time.

 

“But they will suffer from fatigue too and when you need them the most, wala na rin sila because they will suffer from fatigue already,” paliwanag ni Gov. Chiz.  “Kaya I encouraged her (Heart) that she can change her mindset with just her faith in God.”

 

After sharing his thoughts, Heart managed to joke and asked him why he was “bashing” her.  Pero pagkatapos noon ay nag-post ulit si Heart ng Instagram story niya kahapon, Tuesday, na nakayakap kay Gov. Chiz with a caption, ‘Blessed to have you,’ with a heart emoji.

 

Meanwhile, muling napapanood si Heart with Korean actor Alexander Lee (Xander Lee) gabi-gabi sa romantic comedy series na “My Korean Jagiya,” pagkatapos ng “Descendants of the Sun PH.” na ngayon ay nasa last two weeks na ng airing.

 

*****

 

In a month’s time, magsisilang na ng kanyang third baby si Andi Eigenmann.  Akala niya ay babae muli ang isisilang niya, but nope, lalaki naman ang third baby ni Andi.  Ang panganay niya ay si Ellie, na anak niya kay Jake Ejercito.  Babae muli ang isinilang ni Andi sa boyfriend niyang surfer na si Philmar Alipayo, si Lilo, kaya akala ni Andi it’s another girl pero post nga ni Andi. “the secret is out! We’re having a little happy islandBOY, in just a month’s time, we will be meeting him.  Nakakapanibago dahil two big sisters to their little brother,” sabi pa ni Andi.

 

Sa January 2021, magsisilang si Andi, at tamang-tamang nasa Manila na sila ngayon para doon mag-celebrate ng Christmas.

 

Wala pang nakahandang pangalan si Andi para sa kanilang bagong baby boy.

 

*****

 

First time lamang magiging magka-partner sina Cassy Legaspi at JD Domagoso pero matagal-tagal na rin silang magkasama noon sa Studio 7, kaya no problem sa kanilang dalawa kung magiging close lalo sila ngayong pareho na silang magkatambal sa first teleserye nila together, ang romantic-comedy series na “First Yaya.”  First time nilang makakasama sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

“Matagal na po kasi kaming magkaibigan ni Cassy,” sabi ni JD.  “Noong una po may konting hiya pa rin sa amin, pero wala pong magiging problema, dahil friends na kami ni Cassy noon pa.”

 

Si JD ay anak ni Manila Mayor Isko Moreno at si Cassy ay anak ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

 

Sa ngayon, naghahanda na sina Cassy at JD para sa lock-in taping nila sa January.

 

“Reading the script, muna kami ngayon, gusto ni Direk LA Madridejos na ready na kami bago mag-start ng lock-in taping.

 

By January 2021 mapapanood na ang “First Yaya.”

Other News
  • Kouame, ihahabol ng SBP na mapasama sa FIBA qualifiers

    Nagbubunyi ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas matapos na pormal nang magawaran ng Filipino citizenship ang big man ng Ateneo de Manila University na si Angelo Kouame.     Ang 23-anyos na si Kouame ay ipinanganak sa Ivory Coast at may height na 6-foot-10.     Una nang pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang […]

  • Rollout ng mga smuggled na asukal sa Kadiwa stores, sisimulan na sa Abril – DA

    TARGET ngayon ng Department of Agriculture na simulan na ang pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa mga Kadiwa store pagsapit ng buwan ng Abril ng taong kasalukuyan.     Ayon kay DA spokesperson Kristine Evangelista, sa ngayon ay isinasapinal pa ng kagawaran ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng mga ito upang maibenta […]

  • Crane operator, 2 pa timbog sa P136K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM sa tatlong hinihinalang drug personalties, kabilang ang isang crane operator ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Ariel Ibañez alyas “Arjay”, 34, Jose Dasigan alyas […]