Heart, excited na sorpresang once-a-week romantic drama
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
SA Balesin Island Club sa Polilio, Quezon nagpalipas ng New Year ang Escudero Family, si Sorsogon Governor Chiz, ang wife niyang si Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista at ang twins niyang sina Quino at Chessi.
Mahal ng mag-asawang Chiz at Heart ang Balesin Island, dahil kung matatandaan, doon ginawa ang grand wedding nila na Senator pa noon si Gov. Chiz, at ni Heart in 2015.
Sa Instagram niya, sinulat ni Heart ang, “Welcoming the new year with the ones who mean the most to me. This year didn’t turn out how we hoped it would, but still, we are so grateful that we are healthy and strong. This year gave us a chance to reflect and remember what matters most: family and love. Cheers to a brand new year filled with experiences, challenges, and opportunities for growth. I’m so excited for what 2021 will hold.”
At sorpresa nga ni Heart sa kanyang mga fans ang once-a-week na sweeping romance drama na gagawin niya sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon.
Tamang-tama naman na matatapos na ang replay ng kanyang My Korean Jagiya na napapanood sa GMA telebabad gabi-gabi after ng Love of my Life.
Story ito ng isang fashion socialite, na babalik sa kanyang probinsiya, at muling mapapalapit sa kanyang pamilya, sa kanyang community at sa dating boyfriend niya.
Sa kanyang Twitter, ibinahagi ni Heart ang excitement niya sa bagong show, “yes for my upcoming teleserye – “I Left My Heart in Sorsogon” – you will see a lot of fashion and a whole lot of Sorsogon!”
At excited na rin ang mga fans ni Heart kung sino ang makakatambal niya sa weekly series, na isu-shoot ang kabuuan sa Sorsogon.
***
NAKABIBILIB si Kapuso host Iya Villania-Arellano, dahil daily ay napapanood siya sa “Chika Minute” ng 24 Oras at 6:30PM, at may daily morning show pa sila ni Camille Prats, ang Mars.
At ngayong Friday, January 8, si Iya ang napiling host sa bagong morning show ng GMA Network at Ajinomoto na “Eat Well, Live Well, Stay Well.”
Makakasama niya ang bagong Kapuso actor, si Chef Jose Sarasola.
***
TULOY na at magsisimula na ring mapanood si bagong Kapuso actor Richard Yap at excited na rin siyang ipapanood sa kanyang mga fans ang pagganap niya sa naiibang role sa bagong genre, na iba sa mga nagawa na niya, ang drama.
Kaya kaabang-abang ang kanyang unang paglabas sa comedy anthology na Dear Uge sa Sunday, January 10, after ng Wagas, 2:45PM, sa GMA-7.
Ipinasilip na ni Eugene sa kanyang Instagram ang ilang eksena nila ni Richard: “Our very first fresh episode for 2021, with Richard Yap! Abangan this Sunday sa “DearUgePresents Jing, Ang Bato!”
Bubuuin ni Richard ang inyong Linggo dahil kinagabihan ay siya ang special guest nina Boobay at Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show na isa rin sa mga genre na gusto niyang masubukan.
Mapapanood sila pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
-
Saso papalo sa LPGA ‘JT’
IPAGPAPATULOY ni Yuka Saso ang pagkampanya sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21, hahambalos sa ¥80M (₱35.7M) 9th Axa Ladies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture, Japan sa Marso 26-28. Magsisilbi ang tatlong araw na torneo para sa 19-anyos na Pinay-Japanese na ipinagmamalaki […]
-
Simula ngayong Nobyembre: DepEd, pinayagan ang 52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning
PINAYAGAN ng Department of Education (DepEd) ang naging kahilingan ng 52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning methods sa kabila ng naging kautusan ng departamento na pagpapatuloy ng face-to-face classes simula ngayong buwan ng Nobyembre. May ilang eskuwelahan kasi ang tumaas ang bilang ng mga estudyante habang nagkulang naman ang mga silid-aralan. Hinihintay naman […]
-
Mag live-in partner kulong sa P10.2 milyong shabu
Nasamsam sa isang mag live-in partner na hinihinalang big-time drug pushers ang nasa P10.2 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ernesto Francisco alyas “Ikong”, 49 at Genelyn Mararac, […]