HEART, inamin na maraming beses na nilang pinag-usapan ni CHIZ at siya ang madedesisyon kung makikipagtrabaho kay JERICHO
- Published on September 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAPAG-UUSAPAN din pala ng mag-asawang Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista ang mga posibilidad tulad na lang kung muling makikipag-trabaho o makikipag-tambal si Heart sa ex-boyfriends niya.
Tinanong ni Karen Davila sa kanyang YouTube vlog kung halimbawa raw at may pelikula, ang magiging partner ni Heart ay si Jericho Rosales, papayag daw ba si Chiz.
“Pinag-usapan na ba natin ‘yan?,” tanong ni Chiz kay Heart na ibinuko naman ng huli ang Mister na, “Many times.”
Sinagot naman daw ito ni Chiz na, “It’s up to you.”
Meaning, si Heart ang bahalang mag-desisyon kung sakali na papayag nga itong muling makipag-trabaho kay Jericho.
Sabi pa ni Chiz, “It’s up to her. If it will help her. If it will make her grow. For me again, hindi ako selosong tao.”
Kinumpirma naman ni Heart na hindi nga raw seloso ang Mister, instead, “N.R.” daw ito, ‘No reaction.’ Pero sey niya rin, “sensitive.”
“Pero lately, sensitive,” sabi ni Heart.
Paglilinaw naman ni Chiz, “it has nothing to do with my level of confidence, it’s more on my level of being secure.”
Sina Jericho at misis na si Kim Jones kaya, napag-uusapan din nila kung okay sa mga ito sakali at magsama muli sa isang project sina Heart at Echo?
***
ANG bible verse na Psalms 127: 1 ang unang Instagram stories na pinost ni LJ Reyes pagkatapos niyang kumpirmahin ang naging hiwalayan nila ng partner na si Paolo Contis.
Sinabi naman ni LJ sa kanyang interview na kay Lord siya kumakapit at mukhang nagbibigay talaga ng lakas sa kanya.
Inspiring naman ang pinost niya na para rito, naniniwala siyang si Lord ang magre-restore at magbi-build ng bahay, pamilya, carrer at bawat aspeto ng buhay niya.
Naniniwala naman ang mga malalapit na kaibigan ni LJ na “very strong” ito at ‘yun daw talaga ang isa sa magandang katangian ng kaibigan.
Nasa New York pa rin si LJ at ‘di malayong magtagal ito rito.
***
PANGALAN na rin ng bagyo ang name ni Jolina Magdangal.
May tropical depression ngayon sa bansa na ang pangalan ay Jolina.
At ipinost ito ni Jolina sa kanyang Instagram at sabi niya, “Kung ako ang masusunod, gusto ko umulan ng butterflies. Stay safe everyone.”
Gusto raw talaga niyang umulan ng butterflies, pero may netizen na nag-comment dito na nakatatakot daw umulan ng butterflies at baka mabulag daw ang Pinoy.
Nagsipag-react at comment naman sa post nila ang ilang Kapamilya stars at kaibigan niya. Sana raw katulad ni Jolina, maging mahinahon lang din ang bagyo.
Sabi ni Karla Estrada, “Omgeee sana mahinahon lang yan tulad mo!” Na sinagot naman ni Jolina na, “sana nga hindi maging disastrous para di matanggal sa listahan haha!”
Pati si Vice Ganda ay nag-comment sa post ni Jolina na, “Sana cute din ang ulan! Hahaha!”
So, hindi na lang kapag papasok ang July month nako-coined ang name ni Jolina, hindi na lang din kapag ang isang batang lalaki ay tuli na, pati na rin sa bagyo na mukhang nae-enjoy naman ni Jolens na gamit ang name niya.
***
SIMULA sa September 11, sanib-pwersa ang GMA-7 at ang Regal Entertainment sa Regal Studio Presents
Feeling namin binubuhay ng Regal ‘yung noong 80’s na mga Regal Studio na sa totoo lang, isa sa inaabangan namin palagi sa telebisyon noon.
Sabi nga sa collaboration nila ngayon, “Regal Feels na, Tatak Kapuso pa!” Dito rin unang mapapanood ang tambalan nina Ken Chan at Sanya Lopez sa initial offering nila na “That Thin Line Between”.
Followed by Allen Ansay at Sofia Pablo sa “Raya Sirena” sa September 18 at “One Million Comments…. Magjo-jowa Na Ako!” ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa September 26.
(ROSE GARCIA)
-
Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah
Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo. Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito. Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya […]
-
Speaker Romualdez pormal nang tinanggap ang P5.268-T Marcos proposed nat’l budget; tiniyak ang transparent sa pagpasa
PORMAL nang natanggap ng Kamara ang Proposed 2023 National Expenditure Program (NEP). Mismong si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at vice chair Rep. Stella Quimbo na siyang humarap kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. […]
-
LIFE HACK 101: ANG PINAKAMALUPIT NA SIKRETO UPANG IKAW AY YUMAMAN AT UMUNLAD SA BUHAY, ISA-ISAHIN!
Alam ba ninyo na anumang simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay nagdidikta ng uri ng kapalaran at pamumuhay na magkakaroon tayo? Ang simpleng pagliligpit lamang ng higaan sa umaga ay magsasabi na kung ikaw ay magiging matagumpay sa buhay. Oo. Dito mo masasabi kung ikaw ay nakatadhanang umasenso o hindi. Ang pagliligpit […]