• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, itinanggi na may pinaretoke sa kanyang mukha

SA Q&A time ni Heart Evangelista sa kanyang IG account, sinagot niya ang tanong na ‘Have you done any plastic surgeries?’

 

Sagot ni Heart, “Never done anything to my face. My eyes and nose etc. were made by God. I swear. I have nothing against it in fact am for it if ikagaganda mo. i just hate the idea that some people think I’m lying.”

 

Nag-post din si Heart ng old photo niya noong 3 at 19 years old siya at katabi ng latest pix na ngayong 35 na siya.

 

Nagtalo-talo talaga ang netizens at hindi talaga sila naniniwala na walang pinagalaw si Heart sa kanyang mukha. Narito ang ilan sa kanilang comments”

 

“Maganda si Heart. Pero sabihin niyang walang plastik surgery isang malaking kaplastikan.”

 

“Tingin ko meron din syang ginagawang non invasive treatments. Facials, collagen, pang maintain para maliit ang face sorry di ko alam kung ano tawag dun.”

 

“So bigla na lang naging deep set ang mata? Naol po. Char.”

 

“Isa si heart sa mga artistang hindi nagbago ang muka. Di ko gets yung nagpipilit na retokada sya.”

 

“She’s telling the truth talaga. Sa totoo lang wala naman akong nakitang difference sa hitsura niya. Parang ganun pa rin naman, nag mature lang. Yung ibang tao lang ang nakapansin ng pagbabago ng hitsura niya.”

 

“I never once thought Heart had plastic surgery. She was more a victim of early 2000’s horrible make-up and dressing.”

 

“Wala naman talaga nagbago, sa mga basher diyan nagsasabi na nagparetoke si heart, tingnan nyo rin yang mga old photos (3yrs old,9 yrs old & current photo) nyo kung ganung ganun parin ba mga mukha nya.”

 

“It’s 2020 na heart… no one actually cares about plastic surgery anymore… that’s so 1980s 🙂 Please keep up with the times :)”

 

“Baka naman madami syang pinagawang non surgical treatments so technically tama ang denial nya.”

 

“Huy Heart wala kang talukap dati tsaka sobrang liit ng ipin mo noon. Nood ka mg replay ng G- Mik sa youtube.”

 

“malaki na talaga ngipin nya noon pa! nakikita ko sya sa school noon at gandang ganda talaga talaga ako sa kanya. ang dalaga kumilos, ganda ng hair, mukhang laging mabango. yung mata nya chinita oo pero ang mukha pwede naman talaga magbago as you age.”

 

“Pwede namna talagang wala. Kasi ako din nung bata ako bilugan yung nose ko saka mapisngi ako. Pero umiiba nung lumaki ako. Nagkaron ng natural contour yung face ko. Yung nose ko naman nagkabridge ako at hindi na din as in super bilugan yung nose ko. Kahit ako pag tinitingnan ko picture ko nun nagtataka ako. Pero wala ako surgery ha. Wala ako budget for that.”

 

“I dont think she had anything done, our face slightly change as we grow old. And looking back sa old pics nya, wala namang oa na changes sa mukha. If anything, syempre Heart has the means to be pampered and taken cared of kaya hangang ngayon maganda parin sya.”

 

“Nothing wrong na do to im- prove Pero wag na lie admit na lang ! Parang yung ask mo kung jowa nila si Ano then sabi no and later admit na break up na sila Ngek ! Kala ko ba friends lang kayo Lol = was i”

 

“I agree with Heart. I was known as LAKI MATA o DILAT in my early age until I reach my 40’s? na droop ang mata ko that makes it look like chinito now lalo pag natawa ako na i think kinaganda ko naman sya as an effect.

 

“for others? maybe they didn’t notice the change or perhaps there were any changes but worst, baka lalo pumangit yung iba lalo if cute sila nun bata then naging acute.”

Other News
  • THE HUNT IS ON AS “MONSTER HUNTER” REVEALS OFFICIAL TRAILER

    THE bigger they are, the harder to kill. Watch the official trailer of Columbia Pictures’ new fantasy action thriller Monster Hunter, in Philippine cinemas soon.   YouTube: https://youtu.be/phyb8ssVJIM   Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written for the screen and directed by Paul W.S. Anderson.   The film stars Milla […]

  • Hindi aatras ang Philippine ships sa WPS, patayin man ng China

    MATAPOS kuyugin ng iba’t ibang kritisismo ang kanyang campaign promise para sa mga mangingisda sa pinagtatalunang West Philippine Sea ay “joke”, binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Beijing na hindi niya iaatras ang Philippine ships mula sa pinagtatalunang katubigan kahit mapatay pa siya ng China.   Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte, […]

  • Nabundol habang tumakas, kelot na tirador ng bisikleta dedbol sa motor

    TODAS ang isang lalaking nagnakaw umano ng bisikleta nang mabundol ng motorsiklo habang tumatakas sa mga humahabol na barangay tanod sa Caloocan City.     Sa ulat na nakarating kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nabisto ng mga tanod ang ginawa umanong pagnanakaw ng bisikleta ng lalaking si alyas “Mac-Mac” dakong alas-9 ng gabi […]