HEART, nagsimula na ng lock-in taping kasama si PAOLO sa Sorsogon after ng required quarantine days
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
TULOY na tuloy na ang world premiere ng Legal Wives sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.
Marami na ring naghihintay kung kasama pa rin si Ms. Cherie Gil sa story kahit hindi na nito tinapos ang family series tungkol sa mga Mranaw.
Naroon pa rin si Cherie at kung bubuksan ninyo ang kanyang Instagram acoount na @macherieamour, naroon pa rin ang mga scenes niya sa Legal Wives, isa na rito ang eksena nila ni Shayne Sava, the StarStruck 7 ultimate winner na isa si Cherie sa mga judges noon.
Caption ni Cherie sa photo: “Thrilled to be present for @shaynesava’s very first soap after her #starstruck win where I was one of the judges. Here I can witness her grow and blossom. She’s truly one talent to watch out for. Me be like… a #proudmama.”
Kasama rin si Cherie sa mga teasers na ipinalalabas na sa mga programa ng GMA-7. Bida sa Legal Wives si Dennis Trillo as the husband of the legal wives na sina Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres.
Sa direksyon ni Zig Dulay.
***
NATAPOS na ang required quarantine days bilang pagsunod sa health protocols ng cast ng I Left My Heart In Sorsogon ng GMA Network, kaya nag-post na sina Heart Evangelista as Celeste at Paolo Contis as Mikoy, ng first scene nila sa pagsisimula ng lock-in taping nila last Monday, July 19.
Caption sa Instagram post: “Hello Bicolandia! Look: Today (July 19) at the Sorsogon University library is Paolo Contis and Heart Evangelista sa first day ng lock-in taping nila for #ILeftMyHeartInSorsogon!
Sa simula ng story, sina Heart at Paolo ang mag-sweethearts, pero magkakahiwalay sila na ng pumunta sa Manila si Paolo at si Heart ay nagkaroon din ng sarili niyang career.
Sabi’y one month silang diretso ang lock-in taping at babalik lamang sila sa Manila kapag tapos na ang buong romantic-comedy series na magtatampok din kina Richard Yap, sa kanyang first Kapuso teleserye at magka-love team naman sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.
Ididirek ito ni Mark Sicat dela Cruz.
***
TAHIMIK pa rin si Kylie Padilla tungkol sa paghihiwalay nila ng former husband niyang si Aljur Abrenica.
Nag-post lamang siya sa kanyang Instagram ng: “In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better. Life is about growth. Silence the noise and make the best out of your life. Claim it, I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you. Life is beautiful!”
Nasa bahay daw muna nila sa Fairview si Kylie, kasama ang dalawa nilang anak ni Aljur, sina Alas at AxL, habang inaayos pa ang bahay na lilipatan nila.
Balita namang sa bahay ng parents niya sa Batangas nakatira si Aljur habang naghahanap siya ng bibili ng bahay niya sa Quezon City. Co-parenting ang usapan nila ni Aljur sa kanilang mga anak.
Balik-trabaho na raw si Kylie, pero hindi niya nilinaw kung saan siya magsisimula na ng lock-in taping.
(NORA V. CALDERON)
-
Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto
Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro. Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South […]
-
Mga kontrata “subject to review” ng bagong administrasyon -DND
SUBJECT to review ng bagong administrasyon ang mga kontrata na pinasok ng nakalipas na liderato ng Department of National Defense (DND). Bahagi ito ng “standard operating procedure” ng administrasyong Marcos. Sa isang panayam, sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang nasabing hakbang ay “customary”. “Pag-upo ng bagong SND […]
-
Phivolcs, nagbabala sa patuloy na pagbuga ng gas ng Taal
BINALAAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko hinggil sa patuloy na ‘degassing activity’ o pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal. Sa Taal Volcano advisory ng Phivolcs nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng […]