• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinag-aaralan ang paglikha ng internal PNP legal office

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng kahit na anumang at sinumang police officer.

 

 

Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassment at “flimsy accusations.”

 

 

“We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kaagad na abogado just to give them advice and it will be internal,” ayon kay Marcos sa isinagawang second command conference ng PNP sa Camp Crame.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang mga pulis ay hindi na hihingan pa ng bayad para sa serbisyo ng nasabing legal office.

 

 

“Pag-aralan natin nang mabuti because ginagawang weapon, wine-weaponize ‘yung kaso. So, kapag nahuli ‘yung kriminal, huling-huli na, pero magaling abogado tapos walang kalaban-laban naman ‘yung ating pulis,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ang paglikha sa legal department ay magbibigay proteksyon sa PNP mula sa impluwensiya ng grupo na nang ha-harass sa police force.

 

 

“They can afford a lawyer so for one week tapos, tapos na. So we have to provide that kind of protection para naman ‘yung mga pulis natin, malakas ang loob na gawin ‘yung trabaho nila. Kahit tama ‘yung ginagawa nila, hinaharass sila,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

“Kakasuhan sila ng kung ano-ano, some of them are powerful figures. So, siyempre, marami silang capability, maraming resources, maraming pera. Marami silang access sa mga sikat na abogado, kailangan mayroon din tayong pang depensa. Yes, we have to protect our people,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)

Other News
  • Pagbubukas ng klase sa Setyembre, tuluy na tuloy na- Sec. Roque

    TULUY-tuloy na ang pagbubukas ng klase para sa SY 2021-2022 sa darating na Setyembre 13, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa nasabing school opening.   Ani Sec. Roque, maaari nang magsimula ng mas maaga ang […]

  • Adelaide 36ers talo kontra Perth Wildcats

    Nanghina muli si Kai Zachary Sotto sa pagsabak bilang starter nang malasap ng Adelaide 36ers ang kalunos-luos na 112-97 pagsemplang laban sa Perth Wildcats sa Australia’s 45th National Basketball League 2022-23 regular season game noong Sabado ng gabi sa RAC Arena.     Umiskor lang ang 7-foot-3 Pinoy import ng apat na puntos mula sa […]

  • Dakota Fanning leans into the mysterious in horror-thriller “The Watchers”

    “When Dakota came in, she brought this kind of texture with who she is, which is this effortless cool girl. She put the last piece into place and made Mina real for us,” writer-director Ishana Night Shyamalan shares how actress Dakota Fanning came into her feature debut “The Watchers” and transformed as the main character, […]