HEART, negative sa COVID-19 pero dumaraan naman sa matinding anxiety na epekto ng quarantine
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
NASA bansa na si Heart Evangelista at bilang pagsunod sa protocol, kailangan nitong mag-quarantine ng sampung araw.
Wala raw siyang COVID-19 pero, dumadaan daw si Heart sa matinding anxiety dahil hindi raw talaga niya kinakaya ‘yung nakakulong lang siya sa isang lugar at mag-isa ng matagal. Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit hindi siya nakakapag-travel na siya lang.
Sabi ni Heart sa kanyang IG stories, “Those asking… I’m in quarantine cause I came from L.A. I don’t have covid just feel like I’m drowning and suffocated when I’m in closed spaces for a long time.
`“My anxiety is very bad. I am actually crippled by it most of the time. That’s why I can’t travel myself.”
Kahit na makikita ang kanyang IG na madalas ang post niya ng mga random things, inamin ni Heart na maghapon daw siyang umiiyak.
“Maybe one time I’ll talk more about it just trying my best to relax… even if I’ve been crying the whole day.”
Kasalukuyan ngang naka-quarantine si Heart ngayon sa Marriott Hotel at babalik na rin siya sa second lock-in taping naman nila ng I Left My Heart in Sorsogon.
***
MULING humarap sa entertainment press ang Chairwoman ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na si Liza Diño at ibang officers.
Magkakaroon ng film month sa buwan ng September na tinatawag rin na ‘Sine Isla 2021 Projects’ na may 12 pelikula na ipalalabas online pa rin. Pero ang maganda, inaayos na raw ng FDCP ang posibilidad ng pagpapalabas muli ng mga movies sa mga sinehan.
Ayon kay Chair Liza, “Well, we’re hoping by September, we will have the decision. Kasi, lahat ng recommendations na binigay sa amin ng IATF, inaasikaso na namin as we speak.
“And once we secure these, haharap ulit kami sa IATF to present, ‘yung kanilang hinihinging requirements and hopefully by then, once we get that, good to go, e.”
Pero hindi pa rin pwedeng i-ignore ni Chair Liza ang unpredictable situation sa bansa pagdating sa COVID-19.
Sabi nga niya, “While the goal is November, unpredictable naman kasi ang nangyayari. Naka-antabay kami riyan pero ang importante is planning. Kahit ma-delay ang actual screening, as long as we can announce.”
“Kahit sarado pa, nagpi-prepare tayo.”
***
SA part 2 ng YouTube vlog ni KC Concepcion kunsaan, randomly ay may mga tanong na ibinabato sa kanya ang kapatid na si Samantha Concepcion, tinanong nito si KC kung may insecurities daw ba ito.
“Of course, I do,” pag-amin naman ni KC.
“I don’t think anybody can really say they don’t. So I think, every girls always has something about how they look. There’s always something about yourself that you think you don’t really like.”
At ini-specify ng ani KC na isa raw sa insecurity niya ay ang kanyang height. Pero, ang bongga dahil mayaman naman siya at talagang kaya niyang bumili ng mga bonggang shoes, so hindi raw totoo sa kanya ang kasabihang “money can’t buy happiness” pagdating sa sapatos.
Nakabibili raw siya ng 6 inches ang heels at solve na ang pagiging insecure niya sa kanyang height.
“So I wished a lot of the time that I wished I was taller. But I learned to buy height. So basically I just buy height!”
Sa isang banda, inamin din ni KC sa kapatid na si Samantha nang tanungin siya kung sino ang kanyang 1st non-celebrity crush. Hindi ito pinangalanan ni KC, pero napaisip kami, aware kaya ang guy na ito na siya pala ang unang crush ni KC? Isang Korean-American daw ang una niyang crush na hindi celebrity.
“He was Korean-American and he was the president of the Student Council and the captain of the swim team,” sey ni KC.
(ROSE GARCIA)
-
Bigo ang mga umaasang ikakasal na: BEA, itinangging nag-prenup shoot sila ni DOMINIC sa Japan
BIGO ang mga umaasa na ikakasal na sa lalong madaling panahon sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa prenup shoot daw ng dalawa sa Japan kamakailan. Pasyal lamang at bakasyon ang ipinunta ng magkasintahan sa mga lugar sa Japan tulad ng Niseko, Otaru at Sapporo. At dahil sa mga sweet […]
-
Wendell Carter Jr, pumirma ng $59M contract extension sa Orlando Magic
PUMIRMA ng tatlong taong contract extension si Oralndo Magic center/forward Wendell Carter Jr. na nagkakahalaga ng $59 million. Dahil dito, mananatili si Carter Jr. sa naturang koponan hanggang sa 2028 -2029 season. Sa nakalipas na season, si Carter ay may average na 11pts per game gamit ang 52.5 shooting percentage. Hawak […]
-
Unveiling Evil’s Genesis: “The First Omen” Prequel Arrives with Haunting Trailer
PREPARE to be spellbound by the spine-chilling trailer and poster for “The First Omen,” a prequel to the iconic horror franchise. Prepare to be spellbound as 20th Century Studios unveils the harrowing trailer and poster for its upcoming psychological horror masterpiece, “The First Omen.” Experience the depths of terror as the film […]