• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Heart, patuloy ang pamimigay ng libreng tablets sa mga kabataan

SA pamamagitan ng Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naa- abutan ng tulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

 

Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.

 

Inanunsyo ng aktres sa kaniyang social media pages na magkakaroon na naman siya ng panibagong batch ng tablets na ipapamigay.

 

“I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last Nov. 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 Cherry tablets with free data to more students in need of a device! Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry tablet along with free data!”

 

*****

 

BAGO pa man siya manalong grand champion ng ‘The Clash’ Season 2, matagal nang pinapangarap ng Kapuso performer na si Jeremiah Tiangco ang umawit sa Christmas Station ID ng GMA Network.

 

Kaya naman umaapaw ang saya niya nang sa wakas ay natupad na niya ito sa “Isang Puso Ngayong Pasko.”

 

Nakasama ni Jeremiah sa pagkanta rito ang The Clash judges at hosts na sina Christian Bautista, Aiai Delas Alas, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Golden Cañedo, at iba pang The Clash alumni.

 

Sa isang Instagram post, inihayag ni Jeremiah ang kanyang pasasalamat.

 

“Thank you @gmanetwork @artistcenter for this wonderful experience. Parang dati pinapangarap ko lang na makasama sa isang Station ID. Dati, pinapraktis ko lang songs nila para gamitin sa caroling. Hahaha! Ngayon totoo na talaga ‘to!”

 

Kasalukuyang napapanood si Jeremiah sa weekend variety show na All-Out Sundays. Mapapakinggan din ang kaniyang first-ever single under GMA Music na ’Titulo’ sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.

 

*****

 

PITONG pelikula mula sa GMA Network ay muling mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) Festival mula November 20 to December 13.

 

Ang naturang online film festival ay organized ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

Sa Main Feature Film Showcase, 90 full-length features under 12 categories: Premium, Classics, Documentary, Romance, Youth and Family, Genre, From the Regions, Pang-Oscars, Tribute, Bahaghari, PPP Retro, and Special Feature.

 

Ipapalabas ang Moments of Love nina Dingdong Dantes at Iza Calzado; Family History nina Michael V. at Dawn Zulueta; Jose Rizal ni Cesar Montano; Saranggola with Ricky Davao; Sa Pusod Ng Dagat starring Jomari Yllana, Chin-Chin Gutierrez and Elizabeth Oropesa; Deathrow with Cogie Domingo and the late Eddie Garcia; and Muro- Ami starring Cesar Montano.

 

These movies are offered by PPP to paid subscribers through their scheduled livestream screenings in four virtual cinemas in the FDCP Channel online.

 

To register and secure a slot, visit FDCP Channel’s website: https://fdcpchannel.ph/ and check GMA Network’s social media pages for updates. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Mas maraming Filipino nurses, nakatakdang maghanap ng trabaho abroad

    POOR working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat.     Asahan na raw ang pag-alis sa bansa ng mga Filipino nurses sa mga susunod na buwan para maghanap ng trabaho.     Ito ay dahil na rin sa mas niluwagang coronavirus border controls at […]

  • VP Leni Robredo, nanawagan sa mga supporters na igalang ang resulta ng halalan

    HABANG patuloy na umaalagwa ang kalamangan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagpapatuloy na bilangan sa katatapos lamang na halalan, nanawagan naman si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga supporters na igalang ang kalalabasan o resulta ng halalan.     “Alam kong mahal natin ang bansa pero hindi pwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak […]

  • ‘Free mass testing’ giit ng grupo ngayong NCR Alert Level 3, COVID-19 surge

    Dahil sa biglaang pagtaas ng COVID-19 cases nitong holiday season, naninindigan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na isakatuparan ang libreng mass testing laban sa sakit — bagay na hindi pa rin ibinibigay ng gobyerno hanggang ngayon.     Linggo lang nang umabot sa 4,600 ang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, ang pinakamarami simula pa […]