• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Heartbeat’ ni Quiboloy na-detect sa underground bunker ng KOJC

 

TIWALA ang Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa underground bunker ng KOJC Compound matapos na ma-detect ang ‘heartbeat’ nito.

 

 

 

Ayon kay PNP Region XI spokesperson Catherine Dela Rey, na-detect ang heartbeat ni Quiboloy matapos na gamitin ng PNP ang kanilang ground-penetrating radar sa underground bunker na nasa KOJC compound. Sa ngayon aniya, hinahanap nila ang pasukan ng bunker.

 

 

“As of now, what we’re really looking for is the entrance to the bunker because the life detection device we used has positively detected heartbeats underground,” ani Dela Rey.

 

 

Sa katunayan umano maraming heartbeats ang na-detect sa bunker na indikasyon na posibleng nasa ilalim ng lupa nagtatago si Quiboloy.

 

 

Nabatid na ang ground penetrating radar ay naglilikha ng imahe sa pamamagitan ng radar pulses. Natutukoy din nito ang heartbeats, kilos at heat signature.

 

 

Samantala, tatlong protesters ang dinakip bunsod ng ginawang pagharang at pananakit sa mga pulis.

 

 

Pitong pulis ang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos kuyugin ng mga miyembro ng KOJC nang sumiklab ang tensiyon sa isinagawang prayer at lightning rally kamakalawa ng kagabi sa harapan ng compound.

 

 

Subalit imbes na kandila ang sindihan ay nagsunog na ng gulong ng sasakyan ang mga ito at humarang na sa gitna ng kalsada dahilan upang awatin ng mga pulis at doon na nagsimula ang kaguluhan.

 

 

Nahaharap ang tatlo sa kasong obstruction of justice at direct assault. (Daris Jose)

 

Other News
  • Hindi man siya nanalong president last election: Ex-Mayor ISKO, proud lolo at ipinagpasalamat na mayroon nang apo

    MARAMI nang naghihintay sa invitation ng GMA Network tungkol sa GMA Thanksgiving Gala na gaganapin sa grand ballroom ng Shangri-La, The Fort, this Saturday, July 30.     May pasabi sila na: “This gala is not just a party. It’s really a form of thanksgiving for all the blessings that we’ve been receiving, not just […]

  • P9.8 milyong droga naharang sa NAIA

    NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa […]

  • 8 sangkot sa droga nadamba sa buy-bust

    WALONG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis na nagresulta din sa pagkakabuwag sa isang hinihinalang drug den sa Valenzuela city.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na Sammy Iglisias, Ronelio Enriquez, Imelda Mallari, Gilbert Francisco, Ronnie Cabuso, Josephine Mallari, at […]