HEAT, ABOT-KAMAY NA ANG NBA FINALS MATAPOS PASUIN ANG CELTICS SA GAME 4, 112-109
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
NANGANGAILANGAN na lamang ng isang panalo ang Miami Heat upang tuluyan nang makapasok sa NBA Finals matapos na makaligtas sa naghihingalong Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, 112-109.
Bunga ng panalo, nakuha na ng Miami ang 3-1 lead sa best- of-seven series at makalapit ang koponan sa kanilang kauna- unahang NBA Finals mula noong 2014.
Kung maalala, huling pumasok ang Heat sa finals ay noong naglalaro pa si LeBron James sa Miami.
Nagawa pa ng Boston na mabura ang double-digit na defi- cit para mahawakan ang one- point lead sa fourth quarter, ngunit nakadiskarte pa rin ang Heat para makaabanseng muli.
Namayani nang husto sa kampo ng Heat ang rookie at pinakabatang player sa floor na si Tyler Herro na nagpakawala ng 37 points.
Si Herro rin ang ikalawang 20-anyos sa kasaysayan ng NBA playoffs na maka-iskor ng nasa 37 points sa isang laro.
Ang isa pa ay si Magic Johnson na kumamada ng 42 sa Game 6 ng 1980 NBA Finals para sa Los Angeles Lakers.
“I feel good about it,” wika ni Herro. “There’s a lot of work to be done still. We’re up 3-1.”
Umalalay din sina Jimmy Butler na umiskor ng 24 points, at si Goran Dragic na may 22 points.
Nabalewala naman ang 28 points na binuslo ni Jayson Tatum.
Tatargetin na umano ng Heat na tapusin na ang laban sa Game 5 sa Sabado.
Ngunit alam nilang ibubuhos lahat ng Celtics ang kanilang makakaya para piliting mapalawig pa ang serye sa Game 6 at Game 7 kung kinakailangan.
-
‘James Bond’ Producer Says Next 007 Actor Decision Will Take Time
BARBARA Broccoli, the producer of the James Bond series, admits that deciding on the next 007 actor is a significant decision and will take time. Most recently, the secret agent has been portrayed by actor Daniel Craig since 2006, beginning with Casino Royale. Craig’s portrayal of the character won him critical acclaim from fans and critics alike, […]
-
Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa
NAGHAHANAP pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China. Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas. […]
-
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda mga driver ng tricycle de padyak at de motor
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor kung saan nakakuha ang mga ito ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ni Mayor John […]