• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HELPER PINAGSASAKSAK NG TAXI DRIVER

KRITIKAL ang isang 38-anyos na helper matapos pagsasaksin ng taxi driver marakaang maghinala ito na ka-relasyon ng kanyang ka-live-in ang biktima nang  mahuli niya sa loob ng kanilang silid ang dalawa sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Randy Dejac, ng No. 5 Goldendale St. Brgy. Tinajeros.

 

Naaresto naman ng mga nagrespondeng tauhan ng Northern Police District (NPD) Mobile Force Battalion ang suspek na si Hipolito Gelicame, 49 sa kanilang tirahan sa 143 Pangulo Road, Brgy. Panghulo at isinuko pa ang ginamit niyang patalim sa pananaksak sa biktima.

 

Sa report nina police investigators P/SSgt. Diego Ngippol at P/Cpl. Michael Oben kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, pumapasada ang suspek ng minamanehong taksi nang maisipan nitong gumarahe muna dakong ala-1:35 ng madaling araw nang lingid sa kaalaman ng kanyang kinakasama.

 

Nakapasok sa loob ng kanilang bahay si Gelicame nang hindi namamalayan ng ka-live-in subalit nang pumasok siya sa kanilang silid, dito niya naabutan ang biktima at ang kinakasama.

 

Sa tindi ng galit at panibugho, kinuha ng suspek ang balisong na nakapatong sa kanilang refrigerator at sunod-sunod na inundayan ng saksak si Dejac habang nagtatakbo naman palabas ng bahay ang kanyang kinakasama upang humingi ng saklolo sa mga nagpa-patrulyang mga pulis.

 

I-prisinta ng mga pulis ang suspek sa piskalya ng lungsod ng Malabon para sa kakaharaping kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • LTFRB aaralin ‘surge fee’ sa pamasahe ng jeep, bus tuwing rush hour

    PAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ilang transport groups na magpatupad ng “surge pricing” sa pamasahe ng mga jeep at bus tuwing rush hour at peak hours bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis.     Ito ang sinabi ng board, matapos magpetisyon ang ilang grupo ng dagdag […]

  • RODERICK, tatanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award

    HANDA nang parangalan ng PMPC ang mga natatanging pelikulang ginawa noong panahon ng pandemya gayundin ang mga artista at mga tauhan sa likod ng produksyon sa 39th Star Awards for Movies na gaganapin sa Nobyembre 24.     Pawang award-winning na mga aktor ang magtutunggali para sa Movie Actor of the Year na kinabibilangan nina […]

  • Deadma pa rin sa isyu sa lovelife: SUNSHINE, hinangaan sa pagrampa na naka-two piece sa fashion show

    İSA si Donita Rose nagtataglay ng magandang mukha sa mga member ng programang “That’s Entertainment” noon ng namayapang German Moreno.   Pero ayon pa sa aktres at TV host ay hindi man lang sumagı sa isip ng TV host-actress na maganda siya nung mga panahon na yun.   Basta ang nasa ısıpan niya ay naramdaman niyang […]