• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HELPER TINARAKAN SA LEEG NG KAPITBAHAY, PATAY

DEDO ang isang helper matapos saksakin sa leeg ng kapitbahay makaraan ang pagtatalo nang magising ang suspek sa ingay ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.      

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak kanang bahagi ng leeg ang biktimang si Ramil Sola, 38 ng Blk 50 Lot 13 Phase 3 Area 2, Maya-Maya St., Brgy. Longos.

 

 

Patuloy naman ang follow-up operation ng mga pulis upang maaresto ang suspek na kinilalang si Eric Montillano, 28, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

 

 

Sa nakarating na report kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang dumating ang biktima sa kanilang bahay at sapilitang binuksan ang pinto nito na naging dahilan upang magising ang suspek na natutulog sa kabilang pinto dahil sa ingay.

 

 

Kinompronta ng suspek ang biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo hanggang sa awatin sila ng saksing si Maricel Escoto, 39.

 

 

Matapos nito, umalis ang biktima subalit lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng suspek sa Maya-maya Stree at sinaksak sa leeg gamit ang isang matulis na bagay na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

 

Sa pagayag sa pulisya ng saksi, may matagal na umanong alitan ang biktima at ang suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • JUDY ANN, bagay na gumanap na bida sa ‘Doctor Foster’ at si JULIA naman ang ‘other woman’

    MAINGAY na agad ang adaptation na gagawin ng ABS-CBN mula nang ianunsiyo nila na nakuha nila ang rights ng Doctor Foster na orihinal sa British Television at na-adapt na ng ibang bansa.     Ang pinakahuli na nag-adapt nito ay ang South Korea at puwede rin sigurong sabihing isa sa pinaka-successful adaptation noong 2020 at […]

  • ‘For approval’: 206 big ticket projects sa ilalim ng administrasyong Marcos, pinag-aaaralang mabuti ng NEDA

    MAGLALABAS ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng pinal na listahan ng major projects sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagtatapos ng first quarter ng 2023.     Kasunod ito ng paunang pagpapalabas ng 7 “high-impact projects” ngayong linggo.     Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, hinihimay mabuti at sinusuri ng socioeconomic planning […]

  • Buhay pa rin ang alaala after twenty years: CLAUDINE, naging emosyonal sa mensahe ng ina ng yumaong aktor na si RICO

    MULING nakasama ni Claudine Barretto si Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng yumaong aktor at former boyfriend ng aktres na si Rico Yan.      Naganap ito noong March 28, 2022 sa Manila Memorial Park, Parañaque City upang gunitain ang ika-dalawampung anibersaryo ng kamatayan ni Rico, na sumakabilang-buhay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan.     Nakasama nina Mrs. Yan at Claudine ang mga […]