• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEPE NG NBI-ANTI TERRORISM DIVISION, NAG-SUICIDE

LALONG tumibay  ang anggulong suicide  ang pagkamatay ng hepe ng NBI-Anti Terrorism Division makaraang kumpirmahin ng kanyang misis na matinding depresyon ang sinasabing nagtulak para  wakasan ang kanyang buhay.

Ayon kay Atty. Maria Rosario Bernardo,may pinagdadaanang colon cancer  si Raoul Manguerra sa edad na 49.

Napag-alaman na kamakailan lamang ay namatay din ang ama ni Manguerra dahil din sa colon cancer at nang magpatingin din ito sa doktor ay natuklasang kaparehong sakit ang kanyang pinagdaraanan.

 

Dahil dito, na-depress umano si Manguerra na naging  dahilan para tapusin ang kanyang buhay sa loob mismo ng kanyang opisina sa NBI building .

 

Matatandaang dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi  ( Dec  8) nang matagpuang duguan sa loob ng kanyang opisina si Manguerra,49.

Isinugod pa si Manguerra sa Manila Doctors Hospital  ngunit binawian din ito ng buhay mula sa isang tama ng baril ng kalibre 45 sa tiyan.

Dahil sa pagpanaw ng nasabing opisyal, nagluluksa ngayon ang tanggapan ng NBI-CTD kung saan naka-half mast ngayong Martes ang Philippine flag sa tanggapan ng ahensya sa UN Avenue sa Maynila.

 

Naka-cordon na rin ang opisina ng NBI-CTD habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng ahensiya sa insidente. (GENE ADSUARA) 

Other News
  • Apektado habang pinapanood ang ‘Artikulo 247’: KRIS, pinanggigilan ng viewers at awang-awa na kay RHIAN

    THANKFUL sina Kapuso Royal Couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanila.     Nagpasalamat din sila sa mga netizens na sumubaybay sa kanilang first sitcom together, ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na nagtala ng mataas na rating sa premiere showing nito last Saturday, May 14, 7:15PM sa […]

  • Pinas matutulad sa US, Europe sa rami ng COVID-19 cases

    Posibleng matulad umano sa Europa at Estados Unidos ang bilang ng COVID-19 sa bansa dahil sa desisyon ng pamahalan na muling pagbubukas  ng mga sinehan at iba pang negosyo simula kahapon Pebrero 15.     Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, nakakatakot ang  desisyon ng gobyerno na muling pagluluwag ng restriction sa bansa. […]

  • BOOSTER SHOT PARA SA 12-17 EDAD, OKAY NA SA DOH

    APRUBADO  na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng unang Pfizer booster para sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.     Ito ang kinumpirma ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Martes sa media viber group nang tanungin kung aprubado na nga ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng nasabing […]