• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Herbosa, umapela kay PBBM na suspendihin ang PhilHealth premium hike

TINITIMBANG na mabuti at masusing pinag-aaralan ng Malakanyang ang rekomendasyon ni Health Secretary Ted Herbosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ng implementasyon ng premium rate increase ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) ngayong 2024.

 

 

“The President is studying the request,” ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil nang hingan ng reaksyon sa naging pahayag ni Herbosa.

 

 

Nauna rito, nagpadala si Herbosa kay Pangulong Marcos ng recommendation letter, araw ng Martes na nagbibigay-diin na ang nasabing hakbang ay walang makabuluhang epekto sa financial standing ng PhilHealth kung ang pagtaas ng premium rate ay maaantala.

 

 

“If ever the President will agree to the contribution, my recommendation is to start from where we stopped, not the current 5%. If we stopped at 2% or 3% increase, we start at where it was suspended. That for me is the logical way to lift suspension. We don’t jump to a very high [rate] kasi kawawa ang mga tao,” ayon kay Herbosa.

 

 

“My position is that, I think PhilHealth has enough money to actually continue to give benefits. It will not be hurt by delaying the increase in premium. I need to see good actuarials on this one. You need to have a science-based policy. Hindi ‘yung whim na itataas mo lang . There are other things that are supporting health care,” dagdag na wika nito.

 

 

Iniugnay ng Kalihim ang posisyon niyang ito para mapanatili ang suspensyon ng premium hike sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

“Nagtataasan kasi [ang presyo ng] lahat ng bilihin eh, so it is the right time to actually already fill in. I know PhilHealth is healthy with a very good reserve and a very good investment,” ang pahayag ni Herbosa.

 

 

Sa ulat, muling ipinaalala ng PhilHealth na itataas na sa 5% ang premium rate ng kontribusyon para sa taong 2024.

 

 

Kung matatandaan sa nakalipas na taon nasa 4% lamang ang premium rate na nagiging kontribusyon ng bawat empleyado.

 

 

Ayon kay PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., sa loob ng 13 taon, nito lamang December 2023 sila nagtaas ng premium rate para sa kada buwan na kontribusyon.

 

 

Aniya, malaki ang maitutulong ng pagtaas ng premium rate ng kontribusyon para sa mga miyembro at empleyado nito dahil sa makukuhang benefit sa bawat mangangailangan ng serbisyo ng PhilHealth.

 

 

Kung noon ay nasa ₱400 lamang ang kontribusyon ng bawat empleyado ngayon ay nasa ₱500 to ₱5,000 na kada buwan na ang kontribusyon para sa mga sumasahod ng ₱10,000 to ₱100,000 o basic pay kada buwan.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng PhilHealth na magagamit ng mga empleyado at mapupunta sa tama ang mga kontribusyon ng bawat empleyado para maihatid sa kanila ang iba’t-ibang serbisyo na ino-offer ng Philhealth. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 22, 2020

  • Badyet ng NTF-ELCAC katumbas ng 38M relief packs

    NANINIWALA si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na malaki ang maitutulong sa realignment o paglilipat ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa relief operations para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Rolly.   Kung ililipat umano ang P19.1 bilyong badyet na […]

  • Pacquiao itinuturing na biggest challenge si Spence

    Aminado si eight-division world champion Manny Pacquiao na pina­kamalaking pagsubok sa kanyang boxing career ang makasagupa si Errol Spence Jr.     Ayon kay Pacquiao, hindi birong kalaban ang katulad ni Spence.     Una, wala pa itong talo.     Ikalawa, hawak nito ang dalawang titulo — ang World Boxing Council (WBC) at Intrenational […]