Hidilyn Diaz ginulat ang mundo
- Published on July 28, 2021
- by @peoplesbalita
Tinapos na rin ni Hidilyn Diaz ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics na inabot din ng 97 taon.
Ang award winning performance ni Diaz ay nang talunin niya ang world champion ng China at record holder na si Liao Qiuyun sa makapigil hininga na face-off sa Tokyo International Forum nitong gabi ng Lunes.
Ang makasaysayang gold medal feat ng 30-anyos mula sa Zamboanga ay nang buhatin ni Diaz ang 127 kilogram na bigat ng barbel para sa kanyang ikatlo at huling lift sa clean and jerd.
Ang naturang bigat ay naiposte rin ni Diaz bilang Olympic record nang makatipon siya ng kabuuang 224 kasama na ang 97 kilograms sa snatch.
Si Qiuyun ay may 126 sa huling pagtatangka.
Nakuha naman ng atleta mula sa Kazakhstan ang bronze medal.
Kung maalala noong 2016 sa Rio Olympics ay binigyan din ni Diaz ang Pilipinas ng silver medal.
Si Diaz na reservist din ng Philippine Air Force ay inamin na matapos ang event ay “hindi pa rin siya makapaniwala” sa kanyang nagawa.
Labis naman ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa paggabay sa kaniya sa kabila ng kanyang dinaanan na hirap.
“Sa lahat ng sumuporta sa akin thank you so much for believing in me,” bulalas pa ni Diaz. “There were times na gusto ko ng sumuko dahil sa dami nang pinagdaanan ko.”
Sinabi ni Samahang ng Weightlifting sa Pilipinas Presidente Monico Puentevell na inabot din ng mahigit isang taon sa kanyang training si Diaz sa Kuala Lumpur.
Naghiwatig pa ito na posibleng ito na ang huling paglahok ni Diaz makalipas ang apat na taon sa Olympics.
Si Puentevella ang kabilang sa unang sumalubong sa kanyang atleta sa venue at naiyak din.
Sa panayam kay Mrs Emelita Diaz, sinabi nito na maaari pa namang lumaban sa darating na SEA Games ang kanyang anak.
Hindi rin ito magkamayaw sa tuwa nang mabalitaan ang malaking panalo ng anak.
Para naman sa chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo 2020 Olympics na si Nonong Araneta, todo rin ang kanilang dasal sa hotel habang sinusubaybayan ang laban ni Diaz.
Inamin din niya na emosyunal ang kanilang grupo lalo na at halos 100 taon din bago nakamit ng Pilipinas ang pinakamimithing gintong medalya.
Habang sinusulat ang balitang ito, pumasok na rin sa medal column ang bansa at nasa pang-16 na puwesto mula sa kabuang 205 na lumalahok sa Olimpiyada.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumailanlang din ang national anthem ng Pilipinas matapos na isabit kay Hidilyn ang medalya.
Sinabayan naman niya ito sa pagsaludo, habang nangingilid ang kanyang luha sa podium.
Nabanggit na rin sa ni Philippines Olympic Committee President Bambol Tolentino na mahigit sa P30 million o baka madagdagan pa ang matatanggap ng isang atletang na makakapag-uwi ng gold medal.
-
PH ADULT-ANIMATED FILM ‘HAYOP KA! THE NIMFA DIMAANO STORY’ PREMIERES OCTOBER 29 ON NETFLIX
NETFLIX released the first look for Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. The adultanimation film from the Philippines star- ring Angelica Panganiban, Sam Milby, and Robin Padilla is set to premiere on October 29, 2020 at 12:01 am. Directed by Avid Liongoren, written by Manny Angeles and Paulle Olivenza, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano […]
-
Martin and Pops, ‘nagkabalikan’ sa eXes & whYs
Proud parents sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa anak nilang si Robin Nievera na direktor na nila ngayon sa kanilang bagong show sa Cignal TV para sa Colours. Swak na swak pa ang title na eXes & whYs with Pops and Martin na magsisimula na sa Sabado, December 19 ng alas-nuwebe ng gabi. […]
-
2025 budget, halos P10 billion para sa HMO benefits ng mga manggagawa ng gobyerno
KABILANG sa P6.35-trillion na panukalang national budget para sa 2025 ay ang alokasyon na nagkakahalaga ng halos P10 billion para sa health maintenance organization (HMO) benefits para sa mga manggagawa ng gobyerno. “It’s almost P10 billion, or P7,000 per employee. Per year po. Because we [government workers] do not have health maintenance,” ayon […]