Hidilyn Diaz mas nakatuon ang atensyon sa SEA Games at Asian Games
- Published on November 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatuon na lamang ngayon ang atensiyon ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz sa pagdepensa ng kaniyang titulo sa SouthEast Asian Games (SEA Games) at Asian Games 2022
Ito ay matapos na umatras siya sa 2021 World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Disyembre 7-17.
Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na nirerespeto niya ang desisyon na ito ni Diaz dahil sa mayroon lamang itong maikling panahon para makapag-ensayo.
Magpapadala na lamang aniya ang bansa ng ibang mga pambato sa pamamagitan nina Asian champion Vanessa Sarno, SEA Games Champion Kristel Macrohon, Olympian Elreen Ando at Mary Grace Diaz.
Noong Setyembre pa sana ang orihinal na plano ni Diaz na magtungo sa Malaysia para doon mag-ensayo subalit ito ay naantala kaya ngayon buwan pa lamang ito muling nagsimula ng ensayo.
Dahil dito ay naghahanda na ang kauna-unahang Pinay Olympic gold medalist sa pagsabak sa SEA Games sa Vietnam na gaganapin sa Mayo 2022 at sa Hangzhou Asian Games sa Setyembre 2022.
-
Ibinuking na nagtatago sa banyo ‘pag nagti-Tiktok: DENNIS, idinaan sa nakaaaliw na video ang sagot sa paratang ni JENNYLYN
BINUKING ni Jennylyn Mercado ang mister na si Dennis Trillo na nagtatago ito sa banyo kapag gumagawa ito ng content para sa Tiktok. Idinaan na lang ni Dennis Trillo sa isang nakaaaliw na Tiktok video ang paratang ng kanyang misis. Sinagot ng ‘Love Before Sunrise’ star ang pagbubuking sa kanya ni Jen sa […]
-
Baril, P280K droga nasabat sa 5 drug suspects sa Malabon at Navotas
NASAMSAM ng pulisya sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang isang baril at halos P.3 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim […]
-
P2-M ecstasy, naharang sa NAIA; Kukuha ng parcel, timbog
NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang parcel na naglalaman ng halos P2 milyong halaga ng ecstasy pills sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City. Pawang mga galing sa Leusden, Netherlnds ang mga […]