Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.
Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning coach Julius Naranjo na kaniyang nobyo.
Sinabi nito na hindi siya makaka-survive sa pandemic kung wala ang mga taong nasa likod ng kaniyang tagumpay.
Hindi aniya nito makakaya na mag-isa kaya mahalaga aniya ang tulong nila.
Nagsimulang magsanay si Diaz sa ilalim ng Chinese na si Gao bago ang tagumpay nito sa 2018 Asian Games sa Jakarta.
Si Gao ay siyang head coach ng mga babaeng National Army team ng China mula pa noong 1980.
Sinanay niya ang dalawang Olympic gold medalists na sina Zhou Lulu noong 2012 at Chen Xiexia noong 2008.
Nakilala naman nito si Filipino-Japanese weightlifter Julius Naranjo sa international tournament sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017.
Humanga ito sa galing ni Hidilyn kaya nagkainterest itong isanay siya.
-
Dela Pisa, Labanan dumale ng silver medal sa Budapest
PAREHONG sumungkit ng silver sina national women’s artistics gymnasts Daniela Dela Pisa at Breanna Labadan sa kawawakas na Gracia Cup Budapest sa Hungary. Sang-ayon nitong Martes kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, ang partisipasyon ng dalawang atleta sa torneo nitong Pebrero 19-20, ang bahagi ng paghahanda nila para sa […]
-
Cash aid distribution para sa pagkumpuni ng Paeng-hit houses, nagsimula na
NAGSIMULA na noong Lunes, Oktubre 31 ang probisyon ng cash assistance para sa mga taong nawasak ang mga bahay dahil kay Severe Tropical Storm Paeng. Sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na ang pondo ay magmumula sa assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng departamento. “‘Yung […]
-
Ilang player ng PBA balik Gilas Pilipinas – Marcial
BALIK ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) upang kumampanya sa national colors sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa darating na Pebrero 18-22. Final window na ng Qualifiers ang event na itataguyod ng ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. ang mga laro sa Group A, na Bubble-style rin […]