• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn na-scam, natuto nang leksyon

Sinong mag-aakalang na-scam na si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Sa isang press conference ay inamin ni Diaz na minsan na siyang nabiktima ng scammer matapos niyang makakuha ng cash incentives sa pagbuhat sa silver medal sa women’s weightlifting noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

 

 

Umaasa ang 30-anyos na national weightlifter na maibabahagi niya sa iba pang atleta ang kanyang eksperyensa.

 

 

“I’m hoping na matuto tayo. Matuto tayo sa mga pagkakamali natin at pagkakamali ng mga kasama natin,” wika ng tubong Zamboanga City.

 

 

Milyun-milyon ang natanggap na cash incentives ni Diaz matapos kunin ang kauna-unahang gold medal ng Pinas sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics.

 

 

Ngayon ay alam na ni Diaz ang kanyang gagawin sa mga natanggap na halos P56 milyong insentibo, mga house and lots, condominium units at kotse.

 

 

Ang pag-iipon ang unang payo ni Diaz sa mga kapwa niya national athletes.

 

 

“Para sa akin, mag-ipon tayo kasi hindi tayo forever na atleta. Suwerte na lang magtagal tayo,” ani Diaz. “Di ba may kasabihan na nasa huli ang pagsisisi, pero huwag tayong ganoon.”

 

 

Nakatakdang sumabak si Diaz sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships sa Disyembre sa Tashkent, Uzbekistan.

Other News
  • HIGIT P1 BILYON SHABU NASABAT NG PDEA SA VALENZUELA, 2 TIKLO

    MAHIGIT isang bilyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang Chinese national matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng hapon.     Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Wilkins Villanueva ang naarestong mga suspek na sina […]

  • Nurses sa Pinas mauubos na – DOH

    MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo.     “I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a […]

  • DILG: Travel pass, hindi na kailangan sa leisure purposes

    Hindi na umano kailangan pang kumuha ng travel pass o travel authority kung plano nilang tumawid sa ilang lugar para sa leisure purposes.     Ito, ang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, matapos na payagan na ng inter-agency task force (IATF) on COVID-19 ang leisure […]