High-capacity mass transit, susi para resolbahin ang matinding daloy ng trapiko- Dizon
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan.
“The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay sabing “[Pag may] high capacity [mass transit], hindi na kailangan mag kotse. Kasi ang kotse, dalawa lang o apat ang kasya. [Kapag] high capacity, daan-daan ang kasya doon.”
Ibinahagi naman ni Dizon ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang infrastructure projects gaya ng Metro Manila Subway.
“I spoke at length with the President about this, and the first thing he said, all these [high-capacity mass transit] projects have to be fast-tracked. Ang sinabi niya, unang-una, the ongoing [construction of the] Metro Manila Subway, kailangan bilisan. That is a game changer for all of us,” aniya pa rin.
Umaasa naman si Dizon para sa isang world-class subway system sa bansa.
“Ako talaga, [ang] wish ko lang [eh] na tayong lahat dito sa kwartong to at mga kababayan natin, in our lifetime, ma-experience natin may subway tayo sa Pilipinas na maayos, world class, like those in Tokyo, Hong Kong, Singapore. Iyon ang unang unang priority ng Presidente, kailangan bilisan ‘yan. Pangalawa, iyong North-South Commuter Railway,” ang sinabi ni Dizon.
Ikinalungkot naman ni Dizon ang pagkaantala ng infrastructure development sa bansa sa kabila ng pagiging una sa Asia na nakapagtayo ng light rapid transit system kasama ang Light Rail Transit (LRT) 1.
“It is very depressing na tayong unang-unang nagkaroon ng rail [system] sa Asia tapos ngayon, nagkukumahog tayo rito,” aniya pa rin.
Binigyang diin nito na madaliin ang pagkompleto sa subway, sabay sabing “[Kaya] itong subway, kailangan matapos nang mabilis. ‘Yun ang critical dyan. Pero, kung ang subway natin will take 15 years, eh, matagal naman masyado yun. [Dapat] bilisan natin.”
Binigyang diin naman ni Dizon ang epekto ng proyekto para pagaanin ang trapiko sa Metro Manila at mabawasan ang paghihirap ng araw-araw na pag-commute para sa mga mangggawa na bumi-biyahe mula sa mga kalapit-lalawigan.
“If we have the connectivity, if you live in Bulacan or Pampanga, you won’t even need to rent an apartment in Metro Manila because your travel time will just be at one hour for one way,” ang paliwanag ni Dizon.
Maliban sa mass transit, nais din aniya ng Pangulo na ayusin ang regional airports para palakasin ang turismo.
“Our regional airports… we need them to be well maintained, especially in tourist attractions like Siargao, Palawan. That is very important,” aniya pa rin.
Pag-alis ng Pilipinas sa FATF dirty money ‘grey list,’ pagkumpirma sa global trust sa ekonomiya ng bansa.
Kasabay nito, pinapurihan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa tagumpay ni Presidente Bongbong Marcos na maalis ang Pilipinas mula sa Paris-based Financial Action Task Force (FATF) dirty money grey list.
Ayon sa speaker, maganda rin ang epekto nito sa overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng maayos, mabilis at episyenteng remittance ng kanilang pera sa mababang fees
“By restoring our standing in the global financial community, we are removing burdensome restrictions, reducing transaction costs, and allowing financial flows to move more efficiently. This is particularly good news for our OFWs, whose hard-earned remittances will now be processed faster and with lower fees,” ani Romualdez.
Naisama ang Pilipinas sa FATF grey list noong June 2021 o sa panahon ng dating administrasyon.
“We in the House worked closely with the Executive Branch, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the Anti-Money Laundering Council (AMLC), and other key institutions to pass and implement crucial financial measures that paved the way for this success,” pahayag ni Romualdez. (Vina de Guzman)
-
Australian visit ni PBBM, makapagpapalakas sa umiiral na “bonds of cooperation”
LUMIPAD kahapon Feb 28, Miyerkoles si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo ng Canberra para palakasin ang umiiral na “bonds of cooperation” at talakayin ang mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa Australia. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na magsasagawa ang Pangulo ng […]
-
Malakanyang, idinepensa ang pagtaas ng travel expenses ni PBBM
IDINEPENSA ng Malakanyang ang makabuluhang pagtaas ng travel expenses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa katunayan, sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office na ang ‘increase’ o paglaki ng travel expenses ay sumasaklaw sa local at foreign travels. Nauna rito, iniulat ng Commission on Audit (COA) ang pagtaas ng 1,453% […]
-
MIC, prayoridad ang energy transmission investments
PRAYORIDAD ng Maharlika Investment Corp. (MIC), ahensiya na mangangasiwa sa sovereignty wealth fund, ang pamumuhunan sa energy transmission lines sa iba’t ibang rehiyon. Sinabi ni MIC President and Chief Executive Officer Rafael D. Consing Jr., na marami ng investments sa ‘generation at distribution side’ sa sektor ng enerhiya. “So Maharlika will […]