• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGH RANKING OFFICIALS, EXEMPTED SA GUN BAN

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, na ilang mataas na opisyal ng gobyerno ay exempted sa umiiral na gun ban.

 

 

Sinabi ni Comelec Chair Saidamen Pangarungan na maging ang kanilang mga security personnel ay papayagang magdala ng baril sa panahon ng gun ban  na nagsimula noong Enero 9 at magtatapos sa Hunyo 8.

 

 

“We don’t want any senior government official to get injured or lose his life from an armed assailant simply because he cannot defend himself with his own firearm due to the gun ban,” anang opisyal sa isang press briefing

 

 

Giit nito ,ang mga opisyal na ito ay kailangang maging ligtas sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, malaya sa takot at panggigipit mula sa iba.

 

 

Maliban sa  President at Vice President,  exempted din sa  gun ban ang  Chief Justice, Senate at  House of Representatives members, at lahat ng  justices ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.

 

 

Kasama rin sa listahan ng exemption ang lahat ng mga hukom ng rehiyonal, munisipyo, at metropolitan na mga trial court; ang Ombudsman, Deputy Ombudsman, at mga imbestigador at tagausig ng Opisina ng Ombudsman; ang prosecutor general, chief state prosecutor, state prosecutors, at prosecutors ng Department of Justice; at opisyalat ahente ng  National Bureau of Investigation.

 

 

Ang mga cabinet secretary, undersecretary, at assistant Secretaries, lahat ng opisyal ng halalan, provincial election supervisor, at regional election directors ay may katulad na awtomatikong exemption.

 

 

Sinabi ni Pangarungan na ang pag-amyenda ay naglalayong mapabilis at pasimplehin ang pagbibigay ng exemptions sa pagbabawal sa pagdadala, pagtransport  ng mga baril o iba pang nakamamatay na armas sa mga “karapatdapat” na aplikante.

 

 

Samantala, si Pangarungan ay pinahintulutan ng Comelec en banc na magdeklara ng mga lugar sa ilalim ng kontrol ng Komisyon

 

 

“For example, there is a gun battle in Lanao del Sur. I don’t need to wait for another week to convene the Committee on the Ban of Firearms to declare it under Comelec control,” anang opisyal. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero

    Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.   Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal […]

  • #SEXIESTMANALIVE PATRICK DEMPSEY PLAYS THE SHERIFF IN A MURDER-PLAGUED TOWN IN ELI ROTH’S “THANKSGIVING”

    FOR his holiday horror movie Thanksgiving, director Eli Roth brought the cast together very quickly – and first to join the film was Patrick Dempsey – McDreamy himself and People magazine’s Sexiest Man Alive for 2023. In the slasher movie, Dempsey plays Sheriff Newlon, who has the unenviable job of investigating the gruesome deaths that pile up like […]

  • Unvaccinated vs COVID-19 bawal lumabas ng bahay sa NCR Alert Level 3 — MMDA

    Nagkaisa ang mga alkalde ng Metro Manila na ‘wag munang palabasin ng bahay — “in principle” —  ang lahat ng hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19, habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Matatandaang isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) mula […]