Higit 1 milyong 4Ps beneficiaries, aalisin mula sa listahan—DSWD Sec. Tulfo
- Published on July 12, 2022
- by @peoplesbalita
AALISIN mula sa listahan ang kulang-kulang isang milyong beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, bahagi Ito ng gagawing paglilinis ng departamento sa nasabing listahan.
Aniya, aabot ng tatlo hanggang apat na linggo ang gagawing paglilinis ng DSWD sa nabanggit na listahan, na mayroon aniyang 4.4 million beneficiaries.
“Wala pa akong exact figure pero initially ang sabi sa akin ay halos isang milyon ang aalisin natin sa listahan,”ayon kay Tulfo.
Ani Tulfo, ang bakanteng slots para sa conditional cash transfer program ay ibibiigay sa mga bagong benepisaryo lalo pa’t maraming aplikante ang nasa “waiting list.”
Tinukoy ang survey na ginawa ng DSWD, sinabi nito na may 15 milyong katao ang ” below the poverty line” sa bansa.
Sa kabilang dako, inatasan naman siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na linisin ang listahan ng mga benepisaryo sa gitna ng ulat na may ilang 4Ps beneficiaries ang “well-off” at ginagamit na lamang sa sugal ang cash assistance.
At para maipatupad ang kautusan ni Pangulong Marcos, sinabi ni Tulfo na magpapalabas siya ng “amnesty” call para sa mga unqualified beneficiaries na isuko ang kanilang accounts sa loob ng 30 o 60 araw o ipaghaharap ng kaso.
“Kasi parang estafa ‘yan kasi niloloko mo ang gobyerno ,” anito. (Daris Jose)
-
Insentibo sa mga guro, matatanggap ngayong National Teachers’ month
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ang lahat ng mga guro ng kanilang mga insentibo kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Makakakuha ng P1,000 ang mga guro sa pampublikong paaralan bilang insentibo. Ginawa ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa ang […]
-
Obiena tama ang pagpayag
MABUTI at sumang-ayon na si 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John Obiena sa mediation ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa gusot niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Ito ang naging tugon niya sa mga senador sa mahigit limang oras na hearing ng Senate Committee on Sports at […]
-
Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine, umabot na sa 116 —NDRRMC
UMABOT na sa 116 katao ang nasawi sa kabila ng pananalasa ng bagyong Kristine (international name: Trami). Sa pinakabagong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), makikita na may 116 ang napaulat na nasawi, 10 naman ang validated na habang ang natitirang bilang ay ‘ subject to validation.’ Sinasabing 39 na indbidwal […]