• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide

Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020.

 

Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo.

 

Iginiit ni Mapa na ang mga impormasyon na malilikom sa census ay malaki ang maitutulong sa iba’t ibang pangkat ng gobyerno para sa pag-develop ng mga ito ng kani-kanilang mga programa, gayundin sa iba pang mga sektor ng lipunan.

 

Iba’t ibang pamamaraan ang gagamitin ng PSA sa census na gagawin sa buong buwan ng Setyembre bilang tugon sa hamon na hatid ng COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay Mapa, magkakaroon ng option ang publiko kung sila ay payag sa face-to-face interview o gawin na lamang ito via telephone o online.

 

Maari rin aniya na sagutan na lamang ang self-administered questionnaire na personal na ihahatid ng mahigit 100,000 enumerators na magiikot sa buong bansa.

 

Tintitiyak rin ni Mapa ang mahigpit na pagsunod ng mga enumerators sa health at safety protocols na inilatag ng pamahalaan.

 

Mahigpit din aniya ang kanilang koordinasyon sa mga local government units patungkol naman sa mga high-risk areas, para sa mga necessary adjustments na kanilang maaring gawin.

 

Binigyan diin ni Mapa na lahat ng mga malilikom na impormasyon sa census ay highly confidential at hindi magagamit sa ibang paraan.

 

Mababatid na base Batas Pambansa Bilang 72 at Executive Order 352, obligado ang Philippine Statistics Authority na magsagawa ng census of the population and household kada 10 years . (Daris Jose)

Other News
  • LRT-2 may libreng sakay sa ‘Rizal Day’ tuwing rush hour

    MAY HANDOG na libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa linya ng LRT-2 ngayong Biyernes, ito habang ginugunita ang ika-126 anibersaryo ng kabayanihan ni Jose Rizal.     “May handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 […]

  • DWAYNE JOHNSON, KEVIN HART, KEANU REEVES LEAD VOICE CAST OF “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

    Uniting the unsung heroes of the DC canon, Krypto and Ace, “DC League of Super-Pets” is a funny and fun-filled, action-packed adventure that boasts a terrific combination of two of everyone’s favorite things: pets and DC Super Heroes!     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/qkUfjLEh4oY]     In “DC League of Super-Pets,” Krypto the Super-Dog […]

  • MARIAN, tiyak na tututukan ng netizens sa kauna-unahang pagsabak sa teatro

    TULOY na tuloy ang kauna-unahang pagganap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes para sa Tanghalang Ateneo sa makabagong pagsasadula ng ‘Oedipus Rex’.     Personal ngang nag-imbita si Marian sa kanyang milyung-milyon followers sa virtual play na titulong password: 03d1pu5_R3x.     Post niya sa kanyang IG account:   “Ako si Marian Rivera-Dantes, gaganap sa papel […]