Higit 1,300, bagong med tech; Taga-UST, topnotcher – PRC
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 1,307 mula sa 2,619 na nakapasa sa Medical Technologist Licensure Examination.
Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Medical Technology na idinaos sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ngayong January 2022.
Nanguna sa Medical Technologist Licensure Examination si Kyle Patrick Rivera Magistrado mula University of Santo Tomas (UST) na nakakuha ng 90.40 na rating.
Mula rin sa UST ang pumangalawa na si Natalie Cu na mayroong 89.30 rating, pangatlo ay taga-Southwestern University na si Elaine Dagondon na may 88.70, sunod si Marjo Escalon ng DMMC Institute of Health Sciences, INC na may 88.50.
Samantala, pagdedesisyunan pa ng PRC ang petsa kung kailan at saan isasagawa ang oathtaking ceremony ng mga bagong medical technologist.
-
100 BSKE candidates, diniskuwalipika ng Comelec
TINATAYANG 100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (BSKE) dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon. Kasabay nito, inihayag din ng Comelec ang pagpapasa ng resolusyon na nagsususpinde sa proklamasyon ng 500 BSKE candidates kung magwawagi sa halalan. Ito ay dahil sa mga nakabinbin nilang kaso […]
-
DepEd execs, kasuhan sa overpriced laptop – Senado
INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng mga kasong katiwalian, perjury, falsification of public document, kasong administratibo at sibil ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Education (DepEd) at Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa umanoy P2.4 billion overpriced na pagbili ng laptop. […]
-
Rice traders, makikipagtulungan sa gobyerno sa pagbibigay ng abot-kayang bigas
MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa gobyerno sa pagbibigay at pagbili ng abot-kayang bigas para sa mga mamimili. Sinabi ni PRISM lead convenor Rowena Sadicon na nakikipagtulungan sila ngayon sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kung paano masusuportahan ng grupo ang Executive Order 39 […]