Pacquiao may ‘pasabog’ bago lumipad pa-Amerika
- Published on July 5, 2021
- by @peoplesbalita
Bago magtungo sa Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing, may pasabog muna si Sen. Manny Pacquiao laban sa administrasyong Duterte.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado tungkol sa umano’y korupsyon sa pamahalaan.
Dahil sa kumpleto umano sa ebidensiya si Pacquiao kaya desidido ito na ibunyag ang katiwaliang nalalaman.
Sinabi pa umano ni Pacquiao na hindi siya magsasalita kung walang hawak na ebidensya.
Pinagsabihan din umano ni Pacquiao si Lacson at Senate president Vicente Sotto III na marami siyang bala laban sa administrasyon.Si Pacquiao ay magtutungo sa Amerika ngayong weekend para paghandaan ang laban kay Errol Spence Jr. sa August 21 sa Las Vegas, Nevada. (Daris Jose)
-
P275-B Maharlika Wealth Fund target maipasa bago mag ‘Christmas break’ ang Kamara – Salceda
KINUMPIRMA ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda na target nila na maipasa ang panukalang P275- billion Maharlika Wealth Fund bago mag Christmas break ang House of Representatives sa December 17. Ayon sa economist solon, ang MWF ay makakatulong para mas mapalaki ang investment opportunity ng pamahalaan. […]
-
4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU
KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]
-
P6.9 MILYON HALAGA NG SHABU GALING SA SOUTH AFRICA, NABUKING SA PACKAGE
TINATAYANG P6.9 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Custom (BoC) at Cavite Police sa isang package na ipinadala galing sa South Africa na ipinadala sa isang recipient sa Imus City, Cavite, Lunes ng hapon. Kinilala ang inaresto na tumanggap ng package […]