• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 1,300 trainees, nagtapos sa libreng skills training sa Caloocan

UMABOT sa 1337 trainees ang nakapagtapos sa libreng livelihood training course ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng pagsisikap ng Public Employment Service Office (PESO) at Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC).

 

 

Ang proyekto ay nagsisilbing isa sa maraming mga programa na nilalayong tulungan ang mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training sa pagsasanay sa iba’t ibang larangan, kabilang ang automative servicing, cosmetic science, at electrical installation and repair.

 

 

Binati naman ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Bagong batch ng CCMTC graduates.

 

 

“Congratulations sa CCTMC at sa lahat ng Batang Kankaloo na nagsumikap upang magkaroon ng pagkakataong palaguin pa ang kanilang kakayanan at masuportahan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya,” aniya.

 

 

“Hiling ko na mapakinabangan at magamit niyo ang lahat ng mga karagdagang kaalaman at karanasan na natutunan ninyo upang patuloy na mapalapit sa inyong mga pinansyal na hangarin,” dagdag niya.

 

 

Muli ring pinagtibay ng lungsod ang paninindigan ng administrasyon nito na palaging unahin ang pagbibigay ng matatag na trabaho at mga programang pangkabuhayan upang matiyak ng mga residente ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

 

 

“Asahan niyo po ang walang patid na suporta at pagsisikap ng ating pamahalaang lungsod upang bumuo ng mga programa para sa kabuhayan at trabaho ng mga mamamayan upang mas mapaunlad ng pamumuhay ng bawat Batang Kankaloo,” sabi ng alkalde. (Richard Mesa)

Other News
  • DOLE hinimok ang mga negosyante na kumuha ng safety seal

    Maaari nang mag-apply ng safety seal certification ang mga pribadong establisimyento bilang tanda na sumusunod sila sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan.     Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na tinitiyak ng mga negosyong napagkalooban ng safety seal certificate na sumusunod sila sa minimum health protocols, tulad ng social […]

  • Senate Medal of Excellence ibibigay kay Yulo

    ISINULONG ng ilang senador ang pagbibigay ng Senado ng “medal of excellence” sa Filipino gymnast Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.     Kabilang sa mga ­naghain ng resolusyon para kilalanin ang pambihirang nagawa ni Yulo sina da­ting Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Ma­jority Leader Francis Tolentino at […]

  • Bulacan emerges as Top 1 Province in Local Source Revenues for FY 2022

    CITY OF MALOLOS- The Province of Bulacan added another feather to its cap as it was hailed as the Top 1 Province in Local Source Revenues (LSR) in Nominal Terms for the Fiscal Year (FY) 2022, and Top 3 for FY 2023 during the 37th Bureau of Local Government Finance (BLGF) Anniversary Stakeholders’ Recognition held […]