• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 1,700 mga pasahero ng tren, nasampolan ng ‘no vaccination, no ride’

MAHIGIT 1,700 na mga pasahero ng tren ang hindi pinayagang makasakay matapos na hindi makapagpakita ng vaccination cards ang mga ito sa unang araw ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan na umabot as 1,749 ang kabuuang bilang ng mga commuters ang nagtangkang sumakay sa mga tren sa Metro Manila ngunit bigong makapagpakita ng kanilang mga vaccination cards.

 

 

Sa ulat ng kagawaran, pinakamarami ang kanilang naitalang mga pasaherong di pinayagan na makasakay sa MRT-3 na umaboy sa bilang na 1,204, na sinundan naman ng LRT-1 na may 401 na mga pasahero, habang nasa 136 naman ang mga commuters na hindi pinayagan sa LRT-2, at walong mga indibidwal naman ang kanilang naitala sa Philippine National Railways (PNR).

 

 

Muli namang iginiit ng DOTr na exempted mula sa nasabing polisiya ang mga taong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 dahil sa kanilang medical conditions.

 

 

Kinakailangan lamang na makapagpakita ang mga ito ng duly-signed medical certificate na may pangalan at contact details ng kanilang mga doktor.

 

 

Exempted din sa “no vaccination, no ride” policy ang mga indibidwal na kinakailangang lumabas upang bumili ng mga essentials goods at services, tulad ng pagkain, tubig, medisina, medical devices, public utilities, energy, trabaho, at medical and dental necessities basta’t makapagpakita lamang ang mga ito ng balidong barangay health pass o iba pang patunay na maaaring bumyahe ang mga ito.

 

 

Sa kabilang banda naman ay sinabi rin ng kagawaran na babalaan na muna at saka pauuwiin ang mga pasaherong bigong makapagpakita ng patunay ng kanilang pagpapabakuna sa unang linggo ng implementasyon ng nasabing kautusan.

 

 

Ang “no vaccination, no ride” policy ay layon na protektahan ang bawat isa, bakunado man o hindi, laban sa mabilis na pagkalat at banta ng COVID-19 lalo na sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng mga kaso nito sa Pilipinas na siya namang inalmahan ng Public Attorney’s Office (PAO) dahil sa maituturing anila itong paglabag sa konstitusyon dahil tila nasisikil nito ang kalayaan ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap na hindi pa nababakunahan laban sa nasabing virus.

Other News
  • RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA

    DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila.   SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan.   Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa.   Gayunman, […]

  • Gobyerno, masusing pinag-aaralan ang ekstensyon ng CARS PROGRAM

    MASUSING pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang panukalang palawigin o i-extend  ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program.   Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng  Mitsubishi Motors Corporation sa Tokyo,   sinabi ng Chief Executive na habang isinasagawa ang pag-aaral, ang pamahalaan ay “very much of the mind that we […]

  • Sa pagdiriwang ng ika-25 na taon ng Puregold: JUSTIN at EJ, kasama sa nagkuwento ng kanilang tagumpay sa ‘Nasa Iyo ang Panalo’

    SA pagdiriwang ng ika-25 na taon sa industriya ng retail ng Puregold, isang mahalagang layunin ang ibida ang ‘Panalo Stories’ sa mga suking Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.   Sinimulan ng Puregold ang pagkamit ng layong ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng apat na sikat na personalidad sa mga larangan ng showbiz, […]