Higit 18K posisyon paglalabanan sa 2025
- Published on September 30, 2024
- by @peoplesbalita
MAYROONG HIGIT 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 National and Local Elections, ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC).
Kinabibilangan ito ng 12 Senators, 63 Party-List Representatives, 254 Member ng House of Representatives, 82 Governor, 82 Vice-Governor, 800 na Member ng Sangguniang Panlalawigan, 149 City Mayor, 149 Vice Mayor, 1,690 Member ng Sangguniang Panglungsod, 1,493 Municipal Mayor, 1493 Municipal Vice-Mayor, 11,948 Member ng Sangguniang Bayan, 25 BARMM Members of the Parliament, at 40 BARMM Party List Representatives.
Nitong Setyembre 17, nakapagtala ng 6,250,050 bagong registered voters ang Comelec , kung saan ang Calabarzon ang may pinakamataas na naitala sa bilang na 1,041,179; pumangalawa ang National Capital Region na 824,239; Central Luzon – 705,530; Davao Region – 356,854; Central Visayas – 331,033; at sa main office ng Comelec sa Maynila ay may 9,201.
Muling nagpaalala kahapon si Comelec Chairman George Erwin Garcia na wala nang pagpapalawig pa sa pagtatapos ng registration period sa Set. 30, 2024 para sa 2025 midterm elections.
-
Fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda maaaring ipalabas na
MAAARING ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Marso o unang bahagi ng Abril. Sinabi ni Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, ang 162,000 corn farmers at fishers ang makikinabang mula sa ₱500-million subsidy. Ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng ₱ 3,000 […]
-
Garcia namumuro na kay Pacquiao?
Maugong ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia sa posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao. Mismong ang tatay ni Garcia na si Henry ang nagkumpirma na gumugulong na ang negosasyon para sa laban na inaasahan nitong maikakasa anumang araw ngayong linggo. “It’s not bizarre, […]
-
Panuntunan ukol sa doble o sobrang ayuda na natanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps
Ipinababatid ng DSWD na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na muling nakatanggap ng ayuda ng Social Amelioration Program mula sa pondo ng DSWD sa pamamagitan ng pamahalang lokal ay magkakaroon ng pagbabago o adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps. Ang mga benepisyaryo […]