Higit 2.4 milyon pasahero dadagsa sa PITX sa Undas
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa inaasahang higit sa 2.4 milyong pasahero na dadagsa sa terminal simula sa Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5, kaugnay sa paggunita sa All Saints Day at All Souls Day.
Pinakamaraming pasahero ang inaasahan sa mga petsang Oktubre 30 at 31 sa aabot sa humigit-kumulang sa 159,000 hanggang 175,000 o katumbas ng pagtaas ng mga biyahero sa 20%.
Nakikipag-ugnayan na ang PITX sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine National Police (PNP) para sa tiyak na maayos at ligtas na pagbibiyahe.
Kabilang sa mga hakbang ang pag-isyu ng LTFRB ng mga special permit para sa mga bus, inspeksyon ng LTO sa mga PUVs para sa kaligtasan ng mga ito, at pagde-deploy ng MMDA ng mga ambulansya at enforcer para sa trapiko.
Pinayuhan naman ang mga pasahero na magtungo ng maaga sa iskedyul na biyahe upang hindi maabala. (Gene Adsuara)
-
After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER
BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Na humantong nga sa kasalan ng dalawa […]
-
Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award
SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year. Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, […]
-
Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO
Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines. Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna […]