• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 3-M Pinoy nabakunahan na kontra COVID-19 – Galvez

Mahigit tatlong milyong Pilipino na ang nabakunahan kontra COVID-19.

 

 

Sa ulat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na 2,282,273 Pilipino na bahagi ng A1 hanggang A4 priority groups na ang nabakunahan hanggang Mayo 16.

 

 

Samantala, 719,602 Pilipino naman na kasama rin sa naturang vaccination groups ang naturukan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sa kabuuan, 3,001,875 Pilipino na ang nabakunahan kontra COVID-19, ayon kay Galvez, na nagpahayag din ng kanyang kumpyansa na mapapabilis pa ang vaccination program ng pamahalaan.

 

 

Sinabi rin ni Galvez na sa loob lamang ng 17 araw ngayong Mayo, aabot sa 1 million Pilipino ang nagawang mabakunahan ng pamahalaan.

 

 

Malaking pagbabago na ito kung ikukumpara aniya noong Marso kung saan umabot ng 40 araw, at 30 araw naman noong mayo bago makapagbakuna ng tig-1 million katao.

 

 

Sa ngayon, naipamahagi na ng pamahalaan ang 7,149,020 vaccines sa kabuuang 7,779,050, na gagamitin sa 3,784 vaccination sites.

Other News
  • Ads August 4, 2023

  • Ads December 29, 2023

  • PDu30, sinabon ang Telcos

    BINANATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang telecommunications companies (Telcos) sa bansa dahil sa “lousy service” lalo pa’t ang mga esyudyanye ngayon ay naka-online classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Nakatakda na kasing magsimula ang klase sa Oktubre 5.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na matagal na […]