PDu30, sinabon ang Telcos
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
BINANATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang telecommunications companies (Telcos) sa bansa dahil sa “lousy service” lalo pa’t ang mga esyudyanye ngayon ay naka-online classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nakatakda na kasing magsimula ang klase sa Oktubre 5.
Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na matagal na ang eternal complaint laban sa Telcos.
Matagal na aniyang nagbibigay ng matinding paghihirap ang Telcos sa mga Filipino.
Labis na ipinagtataka ng Pangulo kung bakit “very poor” ang Telcos sa bansa.
“Far and wide in between the years of its introduction, ang telco from the beginning or the telcos right from the beginning were already being complained of as not delivering the money’s worth of the people,” ani Pangulong Duterte.
“I don’t know how to go about this but may I just appeal to iyong mga telecommunications to — can you — can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public? Kasi kung kaya ko lang na mag-isang salita nandiyan na kaagad, matagal na itong natapos itong problema ng Pilipinas and even in the matter of…,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Kaya ang apela niya sa telecommunicationsay paghusayin ang serbisyo.
: can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public?” ayon kay Pangulong Duterte.
Minsan aniya, ang operations o expansion ng telcos
telcos ay nahahadlangan ng napakaraming requirements mula barangay.
“At ito namang community… Well, of course, you have every right — every citizen has the right to raise grievance,” aniya pa rin.
Kaya ang pakiusap ng Pang Spegulobay hayaan ang Telcos na gawin ang trabaho, hayaan ang mga ito na magtayo ng istraktura, towers kung papayagan para aniya mapahusay pa ang kanilang serbisyo.
“It’s a chicken and — chicken and egg thing eh. Which comes first. So your cooperation or the zeal of the telcos to do better.
Iyong iba — well, for one reason or another, hindi naman lahat, medyo… Of course, most of the mayors are good. I am not referring to them. I’m referring sometimes to the locals, barangay, making it hard for the telcos to improve. So saan diyan sa dalawa. Ako, kay kung sa akin lang, kung madiretso ko ito,” ang pahayag nito.
Isa lamang aniya ang sigurado siya at ito ay ang kailangan na magkaroon ng pag-uusap.
“You know, we have to talk about this seriously actually. This has been bogging the coun- try for so long. It pisses me off to no end really to be discussing this telcos because ang karamihan walang service dito, walang service doon. I said that’s chicken or egg thing. Whether it’s because of the absence of the towers, they are not allowed to build or erected, or itong walang kapasidad itong telcos to invest more,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Ipinauubaya na sa Diyos ang paggaling… KRIS, nag-offline muna sa socmed bilang paghahanda sa susubukang treatment
PAGSAPIT ng ika-25 ng Pebrero, ang selebrasyon ng EDSA 36, nag-post si Kris Aquino bago siya matulog ng Bible verse na mula sa Philippians 4:NIV. Mababasa sa art card: “12 I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret […]
-
Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek
NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay. Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com. “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give […]
-
‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte
Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]