• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 300 Bulakenyong mangingisda at kooperatibang pangsaka, tumanggap ng ayuda mula sa DA, BFAR

LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 300 Bulakenyong mangingisda at 85 Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) ang tumanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na “Distribution of Agricultural and Fisheries Interventions to Farmers and Fisherfolks” sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Sta Isabel sa lungsod na ito kahapon.

 

 

 

Ayon sa Provincial Agriculture Office (PAO), umabot sa P35,963,322.48 milyong halaga ng mga kagamitang pangsaka at pangingisda ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo na nagmula sa mga bayan at lungsod sa Bulacan maliban sa bayan ng Paombong.

 

 

Pinangunahan nina DA Regional Technical Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pamamahagi ng ayuda kabilang na ang tulong para sa Agricultural and Biosystems Engineering na 14 shallow tube well; apat na warehouse with mobile mechanical dryer; tatlong four-wheel drive tractor; tatlong rice combine harvester at tatlong Solar Powered Fertigation Systems (SPFS-8) para sa may 27 FCAs.

 

 

Para naman sa programa ng High Value Commercial Crops, nakapagkaloob ng 100 knapsack sprayers para sa 50 FCAs at 180 kgs na assorted vegetable seeds para sa apat na FCAs.

 

 

Gayundin, nagpamahagi para sa Fisheries Program ng 170 rolls ng gillnets with accessories sa 170 na mangingisda; 120 rolls ng multifilament PE net (black net) sa 120 mangingisda; limang marine engine para sa limang mangingisda; limang fish vending equipment (tri-bike) para sa limang mangingisda; tatlong smokehouse package para sa tatlong FCAs; at isang smokehouse para sa isang FCA.

 

 

“Kaisa po ang inyong lingkod sa adhikaing mapalakas ang sektor ng agrikultura sa ating lalawigan at patunay po nito ang tuluy-tuloy na pamamahagi natin ng makabagong farming technology at agricultural machineries upang mapanatili natin ang sapat na supply ng pagkain sa ating lalawigan at bansa. Tungo rito, nais ko ring pasalamatan ang PAO, DA RFO 3, at DA-BFAR Region 3 para sa makabuluhang programa. Malaki po ang papel ng mga magsasaka at mangingisda sa paglalatag ng pundasyon ng matatag na ekonomiya. Sila po ay maituturing na mga bayaning sumisiguro na mayroong sapat na pagkain sa ating pamayanan,” ani Fernando.

 

 

Ibinida rin ni Fernando ang ilan pang programa para sa mga magsasaka at mangingisda kabilang ang malapit ng matapos na Bulacan Farmers Training Center, pagkakaloob ng mga pataba at pagpaparami ng mga alagang hayop.

 

 

Samantala, tumanggap din ng sertipiko ng pagkilala ang Lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Fernando mula sa DA Regional Field Office 3 dahil sa mahusay na programa ng probinsiya sa larangan ng high-value commercial crops.

Other News
  • Ads September 16, 2024

  • Opisyal ng DepEd, kinumpirma ang memo sa pag-alis ng ‘Diktadurang Marcos’

    KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd)  ang umiiral  at umiikot na memo sa social media na nagbibigay atas na baguhin ang “Diktadurang Marcos” at gawin na lamang “diktadura” na matatagpuan sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum.     “I confirm that indeed there was a letter that was sent to the Office of Undersecretary for […]

  • SSS, PhilHealth contribution tataas simula Enero 2023

    MAGKAKAROON  ng pagtaas sa kontri­busyon ng mga miyembro sa PhilHealth at Social Security System (SSS) simula Enero 2023.     Umaabot sa 1 percent ang taas sa kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit ng mga emple­yado na P30,000. Ang taas ay aakuin ng mga employer alinsunod sa SSS Law.     Inihalimbawa […]