• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 33K active COVID-19 cases wala sa ospital – DOH

Hindi matatagpuan sa ospital ang 33,786 active cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa datos mula sa Department of Health (DOH) na ipinakita.

 

Katumbas nito ang nasa 93% active cases.

 

Base sa DOH Data Drop, 31,090 o 92 percent ng aktibong kaso ay mild; 2,551 ang asymptomatic; at 2,184 ang naka-confine sa ospital.

 

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang 585 quarantine facilities para sa mga kumpirmadong kaso sa buong bansa ay nasa 15,677 ngunit 2,963 lamang ang okupado.

 

Samantala, ikinabahala naman ng National Kidney and Transplant Institute ang patuloy na pagdami ng COVID-19 patients dinadala sa kanilang pasilidad.

 

Batay kay NKTI executive director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, maaari aniyang mahirapan ang mga health care worker kung patuloy na tataas ang bilang sa ospital maging ang mga non-COVID-19 patients ay maaari ring mahawa.

 

“It’s not a healthy environment anymore. Malaki impact nito sa hospital also being a transplant center, not only for our health workers, kundi sa ating mga pasyente na almost all of them are immunocompromised,” paliwanag ni Liquete.

 

Saad pa ni Liquete, hindi na kakayanin ng NKTI na dagdagan pa ang COVID-19 bed capacity dahil mayroon din silang non-COVID-19 patients.

 

“We also have non-COVID patients na importante rin maalagaan din sila. May mga pasyente rin na non-COVID, wala namang pneumonia pero may problema kunwari sa kidneys. So mako-compromise naman ‘yon kung pati non-COVID beds ko ay kukunin, kaunti na nga lang eh,” giit ni Liquete.

 

Sa datos, mayroong 60 COVID-19 patients ang naturang ospital. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Ghostbusters: Afterlife’ Trailer Teases The Newest Generation of Heroes

    AT long last, Columbia Pictures has released the next trailer for the upcoming movie Ghostbusters: Afterlife, which introduces audiences to the newest generation of heroes.     Prior to the coronavirus pandemic, the long-awaited third Ghostbusters movie was slated to arrive in July 2020. However, it, like many major movies once planned to arrive within the past […]

  • Bilang ng mga mahihirap na pinoy, bumaba noong 2023- PSA

    BUMABA ang bilang ng mga mahihirap na Filipino noong nakaraang taon, 2023.     Ito’y ayon sa Full Year Official Poverty Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA).     Sa katunayan, mula 19.90 milyon noong 2021, bumaba ito sa 17.54 milyon noong 2023. Dahil dito, ang poverty incidence ay 15.5% noong 2023 mula 18.1% noong […]

  • Sesyon nina Velasco tinawag na ‘peke, circus’ ni Cayetano

    LABIS na panglalapastangan umano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara.   Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nilabag din daw ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force […]