Sesyon nina Velasco tinawag na ‘peke, circus’ ni Cayetano
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
LABIS na panglalapastangan umano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara.
Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nilabag din daw ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) dahil sa pagtitipon- tipon ng mga ito sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.
Giniit ni Cayetano na hindi basta-basta makakapagsagawa ng sesyon ang mga kongresista base lamang sa kanilang sariling kagustuhan lalo pa ngayon ay suspended pa rin ang kanilang sesyon at nitong Martes pa babalik sa plenaryo alinsunod sa ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihalimbawa nito ang session na kanilang idinaos sa Batangas noong Enero kasunod nang pagputok ng Bulkang Taal kung saan isang resolusyon pa ang kinilangan na ihain at aprubahan.
Binalaan ni Cayetano sina Velasco na huwag ilagay sa putikan ang Kamara at huwag ding idiskaril ang pleary deliberations sa 2021 proposed P4.5 trillion national budget.
Marami na aniya siyang malalaking taong binangga kaya hindi siya natatakot na kumilos sa oras na malagay sa alanganin ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
“Remember, Congress is not a noontime show. Congress is not here for entertainment. Congress is not a circus. This is the House of the People,” saad ni Cayetano.
Sa kabilang dako, nangangako si Cayetano sa isang “honorable at orderly” session ngayong Martes sa kabila nang pangyayari nitong Lunes.
Pero umaapela ito ng pang-unawa at kooperasyon mula sa mga kapwa kongresista upang sa gayon ay masunod pa rin ang kanilang target na maaprubahan sa lalong madaling panahon ang panukalang pondo alinsunod na rin sa apela ni Pangulong Duterte.
-
Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks
Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4. Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para […]
-
“Better response coordination” sa LGUs’, target ng NDRRMC
TARGET ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang “better disaster response coordination” sa local government units (LGus). Sinusuri nito ang sistema kasunod ng mataas na record ng casualties mula sa pananalasa ng tropical storm Paeng (international name: Nalgae). Sinabi ni NDRRMC assistant secretary Bernardo Alejandro IV na ang ahensiya […]
-
PBBM, nilagdaan na ang 2023 national budget
NILAGDAAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.268 trillion na panukalang national appropriations for 2023. Ito ang kauna- unahang budget sa ilalim ng administrasyong Marcos. Dadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng 2023 General Appropriations Act (GAA) sa Malacañang dakong alas-3 ng hapon ayon sa Palace advisory. […]